Chapter 4

30.4K 524 26
                                    

    — Cassandra —


    Hinawakan ko ang mukha ni Bryan habang pareho kaming nakahiga at magkaharap. Natutulog pa siya pero mayamaya ay gigisingin ko na rin siya. Pinadulas ko ang kamay ko sa pisngi niya at hinawakan ang magandang hulma ng panga niya.

    Hindi ko pa rin makalimutan ang mga kinilos niya kahapon. Bakit ganito? Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko? O baka dahil lang ‘to sa pagbubuntis ko at napa-paranoid lang?

    Honey, sabihin mo sa ‘kin.

    “Why?”

    Natigilan ang kamay ko sa paggalaw matapos magsalita ni Bryan. Dumilat siya at tinitigan ako. Napangiti ako nang tipid no’ng hawakan niya rin ang kamay kong nasa pisngi niya.

    Bigla na lang niyang tinanggal ang kamay ko at mabilis na umupo. “Hon? Ano’ng oras na?” agad na tanong niya at nagmamadaling kinuha ang cellphone sa side table. “Oh, shit. Bakit hindi mo ‘ko ginising agad?”

    Kumunot ang noo ko at napaupo na rin. “Ba’t? Mamaya pa naman ang pasok mo, ha?”

    “No. Pinapapasok ako nang maaga dahil ako ang isasama sa presentation sa kabilang kompanya,” hindi nakatingin sa ‘kin na sagot niya at mabilis na pumasok sa walk-in-closet.

    Wala naman siyang sinabi sa ‘kin na gisingin ko siya nang maaga. Sa bagay, tulog na rin pala ako no’ng umuwi siya.

    Inayos ko muna ang comforter namin habang hinihintay na lumabas si Bryan sa closet. Nilingon ko siya no’ng narinig ko na ang pagsara nito. May dala na siyang mga damit at tuwalya ngayon.

    “Hindi ko naman alam na kailangan mong pumasok nang maaga ngayon,” mahinahong sabi ko pero tiningnan niya lang ako saglit at pumasok na sa banyo.

    Napabuntong-hininga na lang ako at tinuloy na ang ginagawa. Natigil lang ulit ako no’ng lumabas agad ng banyo si Bryan. Akala ko kung anong gagawin, kinuha niya lang pala ang cellphone niya sa side table na ikinakunot noo ko. Hindi ko na lang pinansin dahil minsan talaga’y nag-c-cellphone siya sa banyo. Pero nagmamadali siya, ‘di ba?

    Nagluto ako ng almusal namin pero pagbaba ni Bryan ay ayos na ayos na siya at dala ang bag niya. Hindi pa nga sana siya pupunta rito sa kitchen pero buti na lang nakita ko siya at agad na tinawag.

    “Aalis ka na agad?”

    Ano? Walang paa-paalam?

    “Ah, yeah. Sorry, hon. Nagmamadali lang talaga ako. I really need to go.” Napatango naman ako nang naramdaman kong sincere naman pala siya. “Take care here, okay? I love you.”

    Mabilis niyang hinalikan ang noo ko at nagmamadaling lumakad palabas ng bahay. Sinundan ko na lang siya ng tingin sa pinto at hinintay na makaalis.

    “Ma’am? Tayo na lang po kumain?”

    Napalingon ako kay Ana na nasa likod ko na pala. Ngumiti siya at nagtaas-baba pa ng kilay niya. Tumango ako at inaya na siya sa dining area.

    “Ana, ikaw na ang bahala rito sa bahay. May pupuntahan lang ako.”

    Napatigil si Ana at kunot noo akong tiningnan. “Saan ka pupunta, ma'am?”

    “Sa bahay namin, sa parents ko.”

    “Hala ma'am? ‘Di ba, hindi kayo okay? Paano kung saktan ka nila o ano—”

    Inilingan ko siya at tumayo na. “Hindi naman sila gano’n. Kung masasaktan siguro ako ro’n, emotionally lang.” Ngumiti ako at nagsimula nang maglakad palabas ng dining.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon