— Cassandra —
“Good morning,” nakangiting bati ko kay Bryan pagkadilat na pagkadilat niya pa lang.
Ngumiti siya at tumagilid paharap sa ‘kin. He kissed me before greeting me back, “Good morning. Gustong gusto ko talagang gumising sa umaga na ikaw agad ang nasa harap ko.”
Nahampas ko nang mahina ang mukha niya at natawa. “Ang aga-aga, Bryan! Ang corny-corny mo na agad.”
Natawa rin siya at hinalikan na naman ako. “Syempre, I love you.” Hinawakan niya ang tiyan kong six months na habang nakangiti. “And the baby inside you, I can’t wait to be a father.”
“Same!” Hinalikan ko siya nang mabilis sa pisngi bago umupo. “Magluluto na ako, may pasok ka pa, right?”
Tumango siya at umunat-umunat. “Yup. Magluto ka na, ako na mag-aayos nitong kama.” Napangiti na lang ako at tumango.
I went downstairs and entered the kitchen. Nagluto lang ako ng simpleng breakfast na egg omelette and fried rice with bacon chopped. Hindi pa ‘ko tapos magluto nang bumaba na si Bryan. Umupo siya at nakapangalumbabang tinitigan ako.
Mabilis kong itinulak pagilid ang kamay na gamit niya para maalis ‘yon sa posisyon. “Why?” nakasimangot na tanong niya.
“Masamang mangalumbaba sa harap ng pagkain, Bry!” Ngumiti ako at itinuloy na ang paghahain.
“Yeah, sorry.”
Tinulungan niya ‘kong kumuha ng plates bago kami sabay na kumain. Katabi ko lang siya habang paminsan-minsa'y hinihimas niya ang legs ko.
“Dadalhan pa kita ng lunch mamaya?” tanong ko bago ngumanga para isubo ang sinusubo niya sa ‘kin.
“Why not? Lagi mo namang ginagawa. Besides, gusto ko ring kasabay ka mag-lunch kahit nasa office ako.”
Nagtatrabaho siya sa kompanya ng pamilya niya. May kompanya rin ang pamilya ko pero hindi ako pinayagang magtrabaho roon kaya namasukan akong Accountant sa ibang company. Pinag-resign na ako ni Bryan no’ng nalaman naming maselan ang pagbubuntis ko, nag-iingat lang.
“Anyway, hon. Frenz and mom are coming back tomorrow,” balita niya bago sumubo.
Napatango-tango ako. “Sasalubungin ba natin sa airport?”
“No, dito ka na lang. Frenz can handle that.”
His cousin, Frenz, and Tita Brianna left two months ago. They went to California because of an important matter na hindi ko na alam kung ano pa man ‘yon.
“Okay.” I nodded.
Umakyat na agad si Bryan para mag-ayos pagkatapos naming kumain. Maghuhugas na sana ako ng mga pinagkainan nang may biglang pumasok at pinigilan ako.
“Ay ma’am! Sorry po, late ako nagising. Ako na po diyan,” nagmamadaling sabi ng nag-iisang maid namin na si Ana.
Hindi sana kami magm-maid pero nag-hire na si Bryan dahil malaki na ang tyan ko, hindi ko na kakayaning gumawa ng gawaing bahay.
Ipinaubaya ko na sa kaniya ang hugasin. Pumunta ako sa living room at umupo. I dialed Angel’s number to tell her the good news.
“Oh, bakit?”
“Frenz is coming,” nakangising sagot ko at natawa nang mahina. “Angel?” tawag ko nang hindi siya sumagot.
“Hala, we?” parang ayaw pang maniwalang tanong niya na ikinairap ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...