—Cassandra —
“S-Shit.”
Nagsusuka na naman ako!
Ang sakit sa sikmura. Kanina pa ‘ko rito pero wala namang lumalabas. Wala pa nga ‘kong kinakain. Sumasabay pa ‘tong sakit ng ulo ko. Lumipas na ang isang linggong ganito ako lagi rito tuwing umaga o kalagitnaan ng araw. Isang linggo na rin akong walang nakikitang Shane at Bryan. Okay na rin siguro ‘yon.
“Cass? Nasa’n ka?”
Napatingin ako sa pinto ng banyo nang narinig ko ang boses ni Angel sa labas. Nagmumog na ako para makalabas na rin pero akala ko tapos na, nasusuka na naman ako kaya wala akong choice kun’di manatili rito kahit wala naman akong nilalabas.
“Hoy, ano ‘yan? Nagsusuka ka na naman?” Pumasok na rin si Angel dito dahil hindi ko naman sinara ang pinto. Hinagod niya ang likod ko hanggang sa natapos ako.
Nakangiwi ko lang siyang tiningnan at sabay na kaming lumabas ng banyo. Uminom muna ako bago nakapamaywang na hinarap si Angel. Nakapamaywang din pala siya habang taas kilay na nakatingin sa ‘kin.
“Ano ba’ng nangyayari sa ’yo? Isang linggo ka nang ganiyan.”
Saglit ko lang siyang sinulyapan at tipid na inilingan. “Wala lang ‘to.”
“Hindi naman puwedeng buntis ka, ‘di ba?”
Napatitig ako sa kaniya. Pinagdikit ko ang sariling labi at nakataas lang ang kilay niya sa ‘kin. Kumabog nang sobrang bilis ang puso ko. Napatingin ako sa tiyan ko.
Buntis?
“Paano kung buntis nga ako?” kinakabahang tanong ko na ikinakunot na ng noo niya.
“Bakit? May nangyari pa ba sa inyo?” Napatango ako at hindi ko inasahan ang kamay niyang humila sa buhok ko. “Gaga! Ilang linggo pa lang no’ng nakunan ka! Hindi ka ba nasaktan? May kakilala akong nakunan sa pangalawang anak at sobrang sakit daw niyon, kasing sakit ng panganganak.”
Oo masakit nga pero wala na akong nagawa no’ng unang beses na may nangyari ulit sa ‘min, wala akong laban niyon. Napayakap tuloy ako sa tiyan ko at tumitig ulit kay Angel.
“Buntis nga ako?”
“Ang alam ko, hindi pa puwedeng magbuntis ang kakakunan lang. Ilang months bago niya kayanin ulit.” Nilabas niya ang phone habang kunot pa ang noo. “Nabasa ko nga rin sa internet. Ewan ko lang kung posible ba?”
Napatingin na lang ulit ako sa tiyan ko habang humihinga nang malalim. Umasa kasi ako. Ayokong magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Bryan pero umasa pa rin ako. Umasa akong may laman ulit ‘tong tiyan ko. Gustong gusto ko na talagang magkaanak. Kahit pa galing kay Bryan ang baby, okay lang. Hindi ko tatanggihan ‘yon. Ang mahalaga, anak ko ‘to.
“Alam mo, mas maganda kung magpa-check-up na lang tayo.” Napatango ako sa suggestion ni Angel. “Pero mamaya na lang pag-uwi ko, ha? May lalakarin kasi ako, importante. Gusto kitang samahan sa check-up kaya hintayin mo na lang ako.”
Umoo na lang ako sa kaniya at itinuloy na ang pagkain ko. Hindi nawala sa isip ko ang tungkol sa pagbubuntis hanggang sa nakaalis na si Angel. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.
Sinubukan ko ring maghanap ng trabaho sa internet. Sa kalagitnaan niyon, nag-ring ang phone ko. Unknown number pero sinagot ko pa rin. Hinintay kong magsalita ang caller.
“Cassandra.”
Naging familiar agad ang boses niya dahilan ng pagsasalubong ng kilay ko. “Real? How did you get my number?”
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...