Chapter 21

35K 618 106
                                    

    — Bryan —

    “Hi,” bati niya sa ‘kin at mabilis na lumapit. Napatayo ako sa gulat. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. “I missed you so much.”

    Parang kusang umangat ang mga kamay ko para yakapin siya pabalik. “Shane…”

    “Yes, Bryan.” Humiwalay siya at ngumiti na naman nang malapad sa ‘kin.

    Hindi ako nakagalaw nang mabilis siyang tumingkayad at hinalikan ako sa labi. Napatitig ako sa mukha niya at sa mga mata niyang pumikit.

    Si Cassandra ang unang nagpakita sa isip ko nang halikan niya ‘ko.

    Marahan ko siyang itinulak at inilayo sa ‘kin. Napahagod ako sa buhok ko habang puno ng pagtataka ang mga mata niya.

    “Why? Hindi mo ba ‘ko na-miss?” Lumapit ulit siya at yumakap pero tinulak ko lang siya muli.

    “Shane, listen to me.” Suminghap ako. “May asawa na ako.”

    Natulala siya sa harap ko at matagal na napatitig sa ‘kin. Matagal siyang natahimik, gano’n din ako.

    Mayamaya’y dahan-dahan siyang umiling. “Is that true?” Tumango ako nang ilang beses at umiwas ng tingin. “Pero…”

    Pumikit ako nang mariin nang lapitan na naman niya ‘ko at hinawakan ang aking mukha. “Shane, stop.” Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan.

    “Ako ang mahal mo, Bry.” Tinitigan niya ako na parang pinaparating na totoo ang sinasabi niya. “Hindi mo siya mahal dahil ako talaga ang mahal mo. Pinakasalan mo siya pero ako ang mahal mo, Bry.”

    Napalayo ako at napahilamos sa mukha. Inilingan ko lang siya. “Shane, mahal ko ang asawa ko. At alam nating pareho na matagal na tayong tapos.”

    Umiling ulit siya at natawa nang mahina. Hinila niya ako at muling tinitigan sa mata. “Hindi mo siya mahal. Aminin mong may naramdaman ka pa rin no’ng nakita mo ako kanina, ako ang mahal mo, Bry. Akala mo lang mahal mo siya.”

    Then she kissed me again.


    Totoo, totoong may naramdaman pa rin ako no’ng nakita ko ulit si Shane. Bumalik lahat ng memories namin at alam kong na-miss ko siya. Simula niyon, lagi na siyang pumupunta sa opisina.

    Hindi ko napigilan! Hindi ko matiis dahil totoong may pagmamahal pa ‘ko para sa kaniya. Siya lang talaga ang babaeng minahal ko nang sobra.

    To the point na hindi ko na naisip si Cassandra.

    “Babe, bakit ang tahimik mo?” tanong ni Shane.

    Nilingon at tinitigan ko lang siya. Umiling ako at umiwas ulit ng tingin. “Finish your food. I’m full.” Ibinaba ko ang kutsara at tumayo. Mabilis akong naglakad palabas ng kitchen at iniwan si Shane ro’n.

    “Babe!”

    Hinabol niya ako hanggang sa living room. I sighed before sitting down on the couch. She sat on my lap and wrapped her hands around my nape.

    “What’s your problem, ha? Are you not happy that we are having a baby?” she softly asked.

    “I’m… happy,” mahinang sagot ko at pilit na ngumiti.

    Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mahal ko si Shane pero bakit parang mas masaya ako no’ng nalaman kong buntis si Cassandra? Hindi ko ba magawang maging masaya sa pagbubuntis ni Shane dahil alam ko sa sarili ko na bunga ‘to ng panloloko ko?

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon