CHAPTER THREE

1.5K 20 0
                                    

ALTHEA MONDINO

XYRA POV

FLASHBACK..

"Althea bilisan mo d'yan baka maabutan tayo dito alam mo naman na killer day ngayon lalabas labas ka pa. "

Nasa cr kami at napansin ko ang biglang pagtahimik ni Althea at bigla nalang siyang umiyak.

"Thea anyare sayo d'yan? "curios kung tanong.

"Wala Xy huwag mo kung pansinin. "sagot niya naman.

Xy kasi tawag niya sakin tas ako thea tawag ko sakanya.

Pero nagulat ako ng pagkalabas na pagkalabas niya inambahan niya agad ako ng saksak 'di ko 'yun nailagan kasi biglaan at hindi ko 'yun inaasahan na may plano pala siyang patayin ako. Natamaan ang braso ko.

"Ah! Thea? "

"Sorry Xy, kailangan ko 'tong gawin para maligtad ang sarili ko. "sabi niya na umiiyak.

Hindi ako nasaktan sa patalim na ginamit niya sa akin, mas nasaktan ako sa pagkakaalam na kaya rin pala niya akong saktan para lamang mailigtas ang sarili niya. Iniisip niya lang ang kaligtasan niya, hindi niya man lang inisip na may masasaktan siyang kaibigan.

Kaibigan nga ba?

"Ang selfish mo naman Thea pwede naman tayong dalawa ang lalaban dito bestfriends tayo diba. " sabi ko habang umiiyak dahil sa dobleng sakit na nararamdaman ko.

"Sorry Xy. Paalam kaibigan. "sabi niya sakin na sasaksakin na sana ako pero naagaw ko ang kutsilyo at agad kong inunahan siya ng saksak.

"Sorry rin Thea pero kailangan ko rin 'tong gawin sa'yo dahil mamamatay ako kung hindi kita papatayin. " huling sabi ko sa kanya matapos patayin.

Afterall, mamatay din kaming lahat dito.

END OF FLASHBACK

Ayaw ko ng balikan ang masalimoot kong karanasan noon. Iwinakli ko ang isiping 'yun at nagsimula na lang kami ni Hannah na hanapin si Denise.

DENISE POV

Nakakainis na! Nasan na ba 'yung dalawang 'yun!?

Baka naman sumanib na sila kay kamataya. What the hel! anong iniisip nilang dalawa at ginawa nila iyon.

Pstt!

Pstt!

Sino ba 'yun?

"Denise? Denise! Denise?! "

"Sino ka?! " sigaw ko.

"Hindi mo na ako natatandaan? " tanong nito at ngumisi. Nakaramdam ako ng takot sakan'ya.

"Sino ka ba at ginugulo mo 'ko!!" sigaw ko at nilabas ang cellphone ko at binuksan ang flashlight.

Pagkabukas ko bigla kong nabitawan ang cellphone ko.

"IKAW?"

Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon