CHAPTER SIXTEEN

621 8 0
                                    

XYRA POV

Inambahan ako ng saksak ni Denise pero Dali kong nahawakan ang kamay niya.
"Tumigil ka na Denise! hindi na mibabalik ang nanay mo dahil matagal na siyang patay. " hindi ko na rin mapigilan ang maiyak.

"Walang magpapatayan, hindi natin ibibigay ang kasiyahan nila. " mahinahong sambit ni Czarina.

"Papatayin ko kayo naintindihan niyo! " sigaw niya at iniwan kaming mga kaibigan niya.

"Tangina, ang bobo mo Denise. Umaalis ng siya lang. Paano kung mapahamak siya? "

"Ah! " naalarma kami sa sigaw ni Denise.
Lumabas ako agad sa pinagtataguan namin at agad tinungo ang kapatid ko. Sasaksakin na sana ni Keith si Denise pero madali kong napigilan ang plano niya at inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para suntukin siya.

"Huwag na 'wag mo siyang sasaktan! " sigaw ko.

"Let the battle begin. " malamig kong pagpapaalam sa kanila.

Nakabangon si Keith at inambahan ako ng saksak pero agad ko 'yung nailagan at dali daling kinuha ang kutsilyo sa bulsa ko pero huli na ang lahat hindi ko namalayang may tao sa likod ko. Si Axcel sinaksak ako sa braso ang sakit pero hindi ko dinamdam 'yun at tinadyakan siya agad.

"Lumabas na kayo  Hannah at Czarina tumakas na kayo! " sigaw ko sakanila.

"Hindi ka namin iiwan! Dito lang kami! " sigaw pabalik ni Hannah na papunta sa'kin para tulungan ako na siyang nagawa naman namin.

"Ngayon Denise, sabihin mo sa amin kung sino ang mga sinungaling at manloloko! Simula ngayon makikinig kana sa'ming mga kaibigan mo! " inis kong sermon sakanya wala siyang sinabi, ang tanging naririnig lang namin ay ang pag-iyak niya.

HANNAH POV

Pagkatapos namin silang pagtulungan tumakbo na kami at humanap ng daan palabas habang si Denise tulala pa din na hinihila ni Xyra masyado niyang mahal ang mama niya kaya kahit pumatay gagawin niya para mabalik lang ang mama nya. Hinang hina na kami pero hindi pa din kami sumuko hanggang sa may makita kaming gate na bukas.

"Czarina ito na kaya ang daan palabas?"  umaasang tanong ko kay Czarina.
"Hindi ko alam kailangan pa din nating mag ingat. " pagpapaalala ni Czarina.
Kaya dahan dahan kaming pumunta sa gate at pagbukas namin...

CZARINA POV

Sa pag bukas namin ng gate may biglang humila sa buhok ko kaya nabitiwan ako ng mga kasama ko.

"Aray! " sigaw ko

"Czarina! " sabay sigaw nila.

"Bitiwan mo siya hayop ka Axcel! " galit na sigaw ni Denise.

"Naniwala ako sa inyo akala ko totoo ang mga sinabi niyo 'yun pala kasinungalingan lahat!" sigaw ulit ni Denise.

Nabigla kaming lahat at umagos nalang ang luha ko ng kunin ni Axcel ang kutsilyo at tinutok sa leeg ko.

"Bitawan mo ako walang hiya ka! Tulungan niyo ako. " hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

"Huwag kang mag alala Czarina tutulangan ka naman. Huwag kang matakot. " sabi ni xyra para palakasin ang loob ko.

"A-aray. " hindi ko mapigilang dumaing sa sakit dahil mas diniinan pa ni Axcel ang kutsilyo sa leeg ko.

Dahil sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayan na napaupo nalang ako dahil sa balang natamo ko.

Nabaril ako?

Dito na ba ako mamamatay?


Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.      

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon