EPILOUGE

1.1K 10 0
                                    

DENISE POV

Andaming na nagbago simula nang mawala ang demonyong mga tao. Hindi ko alam pero sana sa huling pagkakataon wala na sanang mangyaring ganon.

"Hey sweetheart kain ka na dahil maya-maya may pupuntahan tayo
" si Bren ang boyfriend ko.

"Saan tayo pupunta? "

"Malalaman mo rin. "

Madaming nagbago makalipas ang sampung taon. Nakatakas kami, wala ng panganib. Ito ang bagong buhay ko masaya, tahimik.

Inalis ko ang mga damong nakakalat sa pangalan nito. Kahit naging masama siya sa amin, alam ko naman na napilitan lang si Lianna. Hindi niyo ginusto ang nangyari.

'Lianna Limuel'

R.I.P

'February 12 19**'
'December 10 2014

Paalam dahil kahit ganon ang nangyari naging magkaibigan tayo Lianna. Konting panahon lang tayo nagkasama pero masaya ako. Nakakalungkot lang dahil humantong ka sa ganito. Hindi mo na sana sinunod ang papa mo edi sana buhay ka ngayon at masaya.

Paalam.

CZARINA POV

Maraming nangyari mga pagsubok na pinagdaanan namin pero nalampasan namin iyun at sobrang saya ko dahil dun.

Ang akala ko ay mamamatay na ako nung panahon na naghihingalo na ako pero hindi pa pala. Sobrang saya dahil na bigyan ako ng ikalawang pagkakataon para makasama ko ang mga mahal ko.

Sana panghabang-buhay na ang saya.

HANNAH POV

Ilang taon na ba simula nung maka-alis kami sa San Nicolas University? Sobrang tagal na nun. Ang pagkakaalam ko, iba na ang nagpapalakad ng university maganda na at wala ka ng bahid na takot dahil ibang-iba na ang San Nicolas University noon.

Abala ako sa paghahanda ngayon dahil sa tagal-tagal ng panahon na hindi ko nakasama ang mga kaibigan ko, ngayon magkikita na kami.

"Ang daming nangyari sa atin. Humarap tayo sa panganib kay satanas haha pero ito tayo, magkakasama, masayang nagke-kwentuhan at wala na akong mahihiling pang iba. " naiiyak na pag-alala ni Xyra pero bakas ang saya sa kanyang mata.

"At sana habang-buhay na ito. "

"Sana. "

"Ano ba 'yan ang drama, group nga d'yan. "

Tapos na lahat at sobrang saya ko. Ayoko ng matapos ito.

"Ang drama niyo haha"

End.

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon