CHAPTER ONE

2.9K 51 3
                                    

DENISE POV

Nagising ako sa isang tunog na dati ay ayaw kong marinig kung saan ang tunog ng bell sa eskwelahan ang lahat ay pumupunta sa court para gawin ang seremonya. Ang seremonyang iyon ay kung saan may dalawa kang pagpipilian mabuhay o mamamatay. Wala akong magawa kundi pumunta sa court.

Malapit na ako sa court at nakita ko ang maraming estudyante na nagkukumpulan sa bulletin board. Hindi ko alam ang nangyari kaya mas minabuti kung alamin at puntahan ang mga nagkumpulan.

Napatakbo ako ng may biglang bumulong sa aking tenga at si...

HANNAH POV

Nagtaka ako kung bakit madaming tumatakbo palabas. Mukhang papunta sila sa bulletin board.

"Anong meron dun?" tanong ko sa aking sarili.
Magtatanong na sana ako ng may bumulong sa aking tenga.

''Are you ready to die?"

Nanginig ako sa sinabi niya pero 'di 'yon ang kinababahala ko. Hindi ko pinakitang natatakot ako, tinignan ko kung sino 'yun pero wala akong nakita sa halip iba ang aking nakita. Nakakita ako ng babaeng nakatalikod, tatanung­in ko na sana siya ng bigla siyang lumingon sa akin na nanlilisik ang kanyang mga mata kaya napaatras ako dahil sa takot.

Atras ng atras ako at siya naman ay patuloy na lumalapit sa akin.

XYRA POV

May nakita ako na isang babaeng nanalilisik ang mata na nakatitig kay Hannah at may patalim itong hawak sumugod sya dala parin ang patalim. Alam kong delikado pero 'di na tama ito may buhay na naman ang mawawala.

Susugurin na sana niya si Hannah kaya dali dali akong tumakbo para mapigilan ang masamang balak niya. Agad kong hinarang ang kamay ko at nakipag agawan sakan'ya nung naagaw ko sakanya 'yung patalim agad ko siyang sinaksak, no choice pero kailangan kong sundin ang batas.

Kill or else you'll die.

Iniligtas ko si Hannah kasi naging kaibigan ko rin naman siya at hindi ko rin gugustuhin na mapahamak siya, konsenya ko nalang.

Malaya kaming pumatay dito sa unibersidad na 'to, pero hindi nangangahulugan na wala na kaming puso. Nasasaktan din at natatakot kami kapag nalaman naming may bago na namang namatay. Ang mas masakit ay 'yung kapwa kaklase mo ang namatay at pumatay.

It's do or die.

Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon