CHAPTER SEVENTEEN

598 8 0
                                    


XYRA POV

Tinutukan ng kutsilyo si Czarina kaya nagplano kami pero laking gulat namin ng biglang binaril ni Keith si Czarina kaya agad kong sinuntok si Keith at tinurukan ng pampatulog na dala-dala ni Hannah. Dinala namin si Czarina sa isang liblib na lugar at madali kong kinuha ako ng first aid kit sa bag ko.

Kitang kita sa mata ni Czarina ang labis na sakit at hapdi ng bala.

DENISE POV

Tulala ako habang ginagamot nila si Czarina. Maraming bumabagabag sa aking isipan pero hindi mawaglit sa aking isip si mama.

Si mama kailangan kong iligtas si mama.
Wala sa isip kong sinaksak si Xyra sa likod habang ginagamot niya si Czarina, ang pagdaing niya sa sakit ay ang nakakuha ng atensyon ni Hannah na abala sa paghahanap nang labasan.

"Papatayin ko k-kayo. " hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Nako-konsensya ako, wala akong nagawa kung hindi tumakbo na umiiyak. Ang akala ko ay makakaalis na ako pero naabutan ako ni Hannah at sinabunutan. Hindi ko kayang lumaban, hinang-hina na ako. Dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon.

"Walanghiya ka Denise pinagkatiwalaan ka namin pero anong ginawa mo? Papatayin mo lang kami walanghiya kang traydor. Ang akala namin namulat kana sa katotohanang wala na ang nanay mo. Niloko ka lang nila, hindi na mabubuhay ang nanay mo dahil patay na siya! Naiintindihan mo? Patay na ang nanay mo! " isang malakas na sampal sa akin ang mga sinabi niya.

"Kahit anong sabihin mo papatayin ko pa rin kayong lahat. " nakangiti ako pero may mga lugang tumutulo sa mata ko. Tinulak ko si Hannah para mabitawan ako kaya agad akong kumaripas ng takbo . Ang akala ko tapos na dahil nakalayo na ako pero nakasalubong ko si Keith at ang walang k'wentang principal.

Hindi ko na alam ang nangyari, biglang dumilim nalang ang paningin ko.

HANNAH POV

Isa siyang traydor, ang akala ko ay namulat na siya pero hindi pa pala. Ang sakit lang kasi kami tinuring namin siyang kaibigan pero ang gusto niya ay patayin kami.

Bahala siyang mamatay mag isa, alam kong buhay pa si Keith at ang principal. Nararamdaman kong nasa paligid lang namin sila nagmamasid. Lumapit ako kay Xyra at Czarina na kapwa pagod na pagod na.

"Kailangan na nating makaalis dito malapit na sila. " tinulungan ko silang bumangon. Pati ako ay nawawalan na rin ng lakas.

"Tulungan mo akong alalayan si Czarina. " ani ni Xyra na hirap na hirap.

"Pero paano ka malalim ang sugat mo. " nag-alala din ako kay Xyra dahil sa sugat niya na patuloy umaagos ang dugo.

"Don't worry, kaya ko pa kaya bilisan na natin. " inalalayan na namin si Czarina na makatayo. Lakad takbo ang ginagawa namin.

"Saan niyo balak pumunta my dear students? " sa mukha pa lang ng principal alam na naming may masamang balak ito.

"Mr. Principal, paki-usap hayaan niyo na kaming makaalis dito. " pagpapaki-usap ni Hannah.

"Mabait ka Hannah, pero ayoko sa mga mababait. "

CZARINA POV

Hindi ko na kaya hirap na hirap na ako at mas hindi ko kayang makita ang mga kaibigan ko na nihihirapan ng dahil sakin at ayaw kong makita si ate na naghihirap.

"Mr. Principal, paki-usap hayaan niyo na kaming makaalis dito. " pagpapaki-usap ni Hannah.

"Mabait ka Hannah, pero ayoko sa mga mababait. " at tinutukan ako ng baril.

"Kahit patayin mo man kami hindi pa rin magbabago na wala na ang pinakamamahal mong Althea! " sigaw ni Hannah na halatang nasaktan ang principal sa narinig niya.

"Principal ako nalang patayin mo, maawa ka 'wag mo silang patayin. "pagmamaka-awa ko kay principal ayaw kong mamatay ang ate ko at ang mga kaibigan ko.
Mas mabuti pang ako nalang ang mawala.

"Ano ba sinasabi mo Czarina, hindi ka mamatay. Walang mamamatay sa'tin. " pagpapalakas ng loob ni Xyra sa amin.

"Alam kong nahihirapan na kayo sa akin kasi pabigat ako kaya iwan niyo na ako dito umalis na kayo tumakas na kayo. 'Wag niyong kakalimutan na mahal na mahal ko kayo. " bumagsak lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ayaw ko pang mamatay pero nung makita ko ang ate ko at mga kaibigan kong hirap na hirap na mas mabuti pang isakripisyo nalang ang buhay ko kung ang kapalit ay ang kasiyahan at kalayaan ng bawat isa.


Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon