HANNAH POV
Nagising ako dahil sa isang iyak. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko, ano na bang nangyari ligtas na kaya kami?
Napatingin ako sa kung sino ang katabi kong nasa kama na nakahiga at doon ko nakita si Czarina."Ate kailangan kita miss na miss na kita ate. " saad niya habang umiiyak. Linapitan ko si Czarina at marahan na pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata hindi ko na din napigilang mapaluha.
"Miss na miss na din kita bunso pero hindi po ito tamang oras para magsama tayo ulit kailangan muna nating makaalis sa impyernong unibersidad na ito at pangako ko sa'yo na babawi ako bunso pangako 'yan ni ate. " saad ko habang pinipigalan ang sarili kong mapahagulgol.
Mabilis kong pinunasan ang butil-butil kong luha dahil may biglang pumasok. Si Xyra.
"Kamusta na mga sugat mo bakit hindi ka nagpapahinga? " tanong ko sa kanya.
"Okay na ako huwag kang mag-alala. Hinahanap ko ang susi para makalabas kaso wala pa din akong makita. " bakas sa mukha niya ang labis na pagkalumo.
"Kailan kaya tayo makakaalis dito o makakaalis pa ba tayo dito? " walang sariling tanong ko.
"Tiwala lang makakaalis tayo dito. " nakangiting wika sa akin ni Xyra.
"GUYS NAKITA KO NA ANG SUSI PARA MAKAALIS NA TAYO! "sigaw ni Denise na kakarating lang habang may dala dalang susi
"Salamat naman at natauhan kana at hindi kana nagtraydor Denise salamat".
XYRA POV
"Salamat naman at natauhan ka na denise. " sabi ko
"Sorry sa lahat guys kahit na pinabayaan ko kayo at sinaksak kita Xyra hindi mo pa rin kaya akong saktan at ang totoo pa tinulungan mo pa ako. " sabi ni Denise
"Thats what friends for. " sabi ko at nginitian siya.
"And sisters. "bulong ko
"Ano sabi mo? "tanong niya
"Wala. "
"Kumilos na tayo baka kung sino pa makakakita sa atin dito. " sabi Czarina na akmang tatayo na.
"Kaya mo na ba? " tanong ni Hannah
"Kakayanin ko. " sigurong sabi niya sa amin.
"Tara na. " pag-aaya ulit ni Denise kaya wala na kaming magawa.
SOMEONE's POV
"Akala siguro nila makakatakas sila. "
"Huwag kang mag-alala. "
"Pagbabayarin ko sila sa pagpatay ng anak kong si keith. Hanapin niyo sila! "
Kahit san kayo magtago hahanapin ko kayo, kahit nasa impyerno pa kayo hahanapin at hahanapin ko kayo.
DENISE POV
Saan kaya ito p'wedeng gamitin ang susi?
"Guys may isang problema tayo. "sabi ko
"Ano? " tanong ni Czarina
"Hindi ko na alam saan ang " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naunahan ako ni Hannah."Alam ko kung nasan ang daanan. " sabi ni Hannah
"Sa library nandun ang lahat. " sabi niya
"Ano pang hinihintay natin? Tata na bago pa may makapigil sa atin. "
Itutuloy.
Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
SAN NICOLAS UNIVERSITY
Mysterie / Thriller"A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out." - Walter Winchell A girl who's sweet and kind, everyone says she is so good to be true. She has no power to kill nor hurt people but her life became miserable, since the day s...