CHAPTER TWENTY-ONE

554 6 0
                                    

DENISE POV

Akala namin tapos na ang lahat ng biglang may taong humarang sa amin, ang taong akala namin ay wala na.

Althea?

"Althea, buhay ka? "

"OO! Buhay na buhay ako. Tanga kaba, andito ako sa harapan mo humihingi. Surprise my dear? " nakangita siya na parang isang demonyo.

"Paano? Ang alam ng lahat ay patay kana. " naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.

"'Wag kang tanga Denise. Wala ng oras para magkwento.  "

CZARINA POV

Akala ko tapos na ang lahat kasi patay na sila pero nabalot ako ng takot nung makita namin kung sino ang nasa harap namin.

Ang akala naming patay si Althea.

Hindi pa rin kami makapaniwala sa nakikita namin kaya hindi namin namalayan na nakatutok na ang baril sa'min.

Kinuha niya baril niya at tinutok isa-isa sa amin na parang naglalaro kung sino ang uunahin niyang papatayin.

"Ano gulat kayo kung bakit buhay pa ako? Well, surprise. Ngayon, sino ang gustong mauuna papunta sa impyerno? " tinignan niya kami lahat na nakangisi.

"Oh, hello Czarina. Miss me? Alam mo naba kung sino ang ate mo o kung buhay pa kaya ang ate mo? Gusto mo bang malaman? "

Natatakot ako sakanya parang siyang demonyo pero lahat 'yun nawala at napalitan ng mga tanong.

Si ate? Buhay ang ate ko?

"Tumigil kana Althea! " sigaw namn ni hannah..

"Oh Hannah bakit hindi niyo pa sabihin sa kanya kung sino kapatid niya. Sige, ako na ang magsasabi total mamamatay din naman kayo. " tinutok niya ulit sa'kin ang baril. Ngayon ramdam ko na ang takot.

Hindi ko na napigilan luha kong bumuhos naguguluhan ako. Kung toto man na buhay ang ate ko, makakasama ko pa kaya siya? Magkikita pa ba kami?

Bigla nalang kinuha ni Hannah ang baril nag-aagawan sila sa baril at tumulong na rin si Xyra at Denise kahit pagod na pagod na ito.

Ako sa isang banda, hindi makagalaw. Hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat sa akin. Isang maugong na putok ng baril ang narinig namin. Lahat kami natigilan sa putok ng baril. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tinignan ko ang tiyan ko laking gulat ko nalang na may nakita akong dugo.

Dugo.

"Opps, one down. Sorry Czarina hindi ko sinasadya. " sarkastikong sabi ni Althea.

"Czarina! "

"Ate. "
'Yun na ang huling nasabi ko and everything went black.

I can't see any light. I guess it's the end.


Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.      

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon