CHAPTER THIRTEEN

735 9 0
                                    

HANNAH POV

Hinang-hina na ako dahil sa mga sugat na natamo ko. Kailan ba matatapos ito? Gusto ko ng sumuko pero hindi p'wede kailangan naming makaalis sa demonyong lugar na 'to kaya sinamantala ko ang pagkakataon na 'yun para kumuha na p'wedeng maipukpuk sa mga bango nila. Kinuha ko ang bakal na malaki sa gilid at ipinukpok sa ulo ni Keith. Dahil siguro sa lakas ng pagkapukpuk ko ng bakal sa ulo niya ay nawalan ito ng malay. Mamatay kana sana.

Tinulungan ko si Czarina at Xyra para makatakas kami dito kahit hinang-hina na kami pinipilit pa din naming makalayo sa kanila.

"Nasaan si Denise?" tanong ko kay Xyra.
Umiling lang siya kaya mas binilisan pa naman ang paglalakad, pumunta kami sa main gate nagbabakasakaling bukas na 'yun pero iba ang naabutan namin. Ang mastermind sa lahat ng ito, siya pala ang killer paano niya nagawa 'to? Ang daming estudyante ang naniniwala sa kanya.

XYRA POV

Habang kasama ko sina Hannah at Czarina papunta sa main gate. Humiwalay sa amin si Hannah para hanapin si Denise pero ni isa sa amin ay walang nakakaalam kung nasaan siya.

Nasa tapat na kami ng gate at ngayon kaharap na namin ang pasimuno sa lahat ng ito.

"Ikaw ba talaga ang killer? "tanong  ni Hannah.

"Hindi ako ang killer pero kailangan ko kayong mawala kung hindi ako ang mawawala sa mundo. "

"Alam ko naman una pa lang na traydor ka Denise wala kang tiwala sa amin. Pero 'wag kang mag-alala dahil sa una pa lang hindi na kita pinagkatiwalaan."

"Tigilan niyo na ang pagtuturo at pagsisihan "sabi ng kung sino sa likod namin.
"Dahil mamatay rin kayong lahat. " paglingon namin, nakita namin ang principal ng Nicolas University.

DENISE POV

Ano ba sinasabi nilang killer, ha?? Hahhahaah patawa sila, kaming lahat ang killer di nila alam? Hahahahhah!!!!!
Di ba nila talaga nahahalata na ang principal ang may kagagawan ng lahat dahil may nangyari sa kanila ni althea noon pero si keith ay nasaktan siya sa pagkamatay ni althea nagtulungan ang principal at si keith, pero may isang killer talaga ang hindi ko makilala sadali kong sinilip ang sulat na ito

Oras na malaman mo kung sino ang killer nais kong magpasalamat sayo dahil natagpuan mo siya  sa oras na mapatay mo siya mamayang 12:00 nang hating gabi ay makikita mo ang isang taong mahalaga sayo.

                                    -A.K.L.

Si mommy kailangan ko siyang mabalik ulit saakin.
Kailangan kong pumatay ng buhay para mabalik ang patay na, kailangang kong pumatay ng isa sa amin dito sa unibersidad.

Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.     

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon