CHAPTER TWELVE

750 7 0
                                    


DENISE POV

Bago pa man ako mawalan ng malay ay kilala ko na ang killer isa siya sa kasamahan namin nagpanggap siyang natutulog kasama namin, hindi niya ako matatakasan. Dahan dahan kong sinisira ang nakapuyod na lubid sa aking mga kamay.

CZARINA POV

Nang imulat ko ang mata ko bigla nalang tumulo ang luha ko, nakita ko si Hannah sinasaktan nila ito. Walang awang pinagpapatid nila si Hannah.

"Itigil nito na 'yan! Maawa kayo! " pagsusumamo ko pero parang wala silang narinig.

Bumuhos nang tuluyan ang luha ko ng bigla nalang pumunta si Xyra kay Hannah para tulungan pero himdi kinaya ni Xyra kasi marami sila kaya nasaktan din ito.

Galit nalang ang nararamdaman ko ngayon. Mga hayop sila.

I didn't expect that he's the killer at kasama niya pa si Keith. Hindi pa na tuluyan ang gago.

Kinuha ko ang kutsilyo ko hindi ko hahayaan na saktan nila ang mga kaibigan ko.

"Huwag na 'wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko kung 'di baka ako ang papatay sayo. " sabi ko na pinipigilan ang mga luhang nagbabadya. Kung maari ayaw kong maging mahina sa harapan nila.

Sumugod ako ng walang pag-aalinlangan. Ang gusto ko lang ay mapatay sila at makalabas kamingagkakaibigan na buhay.
Hindi ko nailagan ang pagsugod niya sa akin kaya nadaplisan ang paa ko, napa-upo ako dahil sa sakit.

"Ah! "

Tumawa siya na parang demonyong masayang masaya sa nakikita niya.

"Paano ba 'yan Czarina, mukhang ikaw ang unang mawawala sa inyo. "

Hindi ko maipagkakailang natatakot ako ngayon, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makasama sila.

"Paalam Czarina "

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagtanggap na hanggang dito nalang ang buhay ko.

"Czarina! " sigaw ni Xyra

"Czarina! Gumising ka please p-please. "

"'Wag mo kaming iwan. "

Bago ko mapikit ang aking mata rinig na rinig ko ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa kinain na ako ng kadiliman.

"Paalam. "

DENISE POV

Kumaripas ako ng takbo at sinubukang sirain ang main gate ng unibersidad na ito.
Kilala ko na ang killer, isa sa amin. Bago pa man ako makaalis ay narinig kong may nagsalita sa likod ko.

"Hindi ka makakatakas. " muling sabi nito at akmang itutusok na sa braso ko ang dala niya kutsilyo ng inunahan ko siya ng suntok.

"Sinungaling ka!" sigaw ko at agad siyang sinipa at lumayo sa kanya.

"Papatayin kita Denise!" sigaw nito at hinahabol ako.

Agad akong pumasok sa bodega at nakita kong wala na sila at nakatakas na. May nakita akong isang maliit na hagdan 'yun lang ang nakikita kong p'wedeng daanan. Umakyat ako sa isang hagdanan papunta sa may maliit na bukas at sinarado ang dinaanan ko para walang makahanap sa akin.

Si Keith ay buhay, pero bakit niya papatayin ang sarili niyang kapatid.

Si Xyra.

Anong dahilan?

Itutuloy

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon