CHAPTER TWENTY-TWO

600 6 0
                                    

HANNAH POV

Isang putok ang nagpatigil sa amin. Narinig ko ang putok ng baril at nakita kong si Czarina ang natamaan. Ang kapatid ko, hindi.

"Czarina, lumaban ka. Andito na si ate. " linapitan ko siya at hinagkan. Hinang-hina ma siya. Nahihirapan na siyang magsalita o kahit dapuan man lang kami ng tingin.

"Ate. "

Ng marinig ko 'yun biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata.

"Xyra alalayan mo muna siya please may gagawin lang akong importante. " pakiki-usap ko kay Xyra.

"Mag-iingat ka Hannah. "

"Oh what a lovely scene, nakakatuwa naman kayong panoorin. Bestfriends for ever ang peg. " kitang-kitang ang saya sa mukha ni Althea sa mga nakikita niya. Tumayo na ako at pinahiran ang butil-butil kong luha sa aking mga mata at humarap kay Althea.

"Wala kang kasing-sama Althea. Pagbabayarin mo ang ginawa mo sa kapatid ko. " pagbabanta ko sakanya na dapat niyang ikatakot.

Kung noon wala akong kakayahang manakit ngayon magpapaka-sama ako para lang maprotektahan ang mga mahal ko. Hindi na ako 'yung dating Hannah na mabait, masaya at maintindihan.

"Oh matatakot na ba ako?" kita sa mukha ni Althea na parang hindi man lang siya natakot.

"Oo dapat kang matakot dahil pagbabayarin kita sa lahat-lahat ng mga ginawa mo. Hayop ka!" at doon nandidilim ang paningin ko at ang gusto ko lang ngayon ay patayin siya bigla niya akong tinutukan ng baril pero nasipa ko 'yun

"Wrong move Althea. " sabi ko sa malamig na boses. Sinipa ko ang kamay niya na may baril at sinipa ang sikmura niya hindi ko alam kong bakit napakabilis kong gumalaw hindi ko ma makontrol ang sarili ko ang gusto ko lang ay patayin siya.
Kinuha ko ang kahoy at ipinalo sa mukha niya sa siyang dahilan para hindi na makalaban. Inagaw ko ang baril niya at tinutukan siya. Kulang na kulang nalang ipuputok ko na 'to sa bungo niya.

"Don't kill me please I'm begging you. "

"Sana naisip mo muna 'yan bago kayo pumatay ng mga inosenteng tao. "

Isang putok. "Para 'yan sa mga taong pinatay niyo. "

Ikalawang putok. "Para 'yan sa mga pamilya namin na dinamay niyo. "

Pang-huli. "At para 'yan sa kapatid ko. "

"Go to hell bitch. "

Pagkatapos nun naramdaman ko na ang labis na panghihina.

XYRA POV

Ngayon ko lang nakita si Hannah na ganyan. Nabigla kami sa mga kilos niya, ibang-iba siya sa Hannah na nakilala namin.

"Okay ka lang ba Hannah? " pag-alalang tanong ko sakanya.

"Im fine nagdilim lang talaga ang paningin ko sa babaeng 'yun. "

Tinulungan namin si Czarina na maitayo.

"Huwaag kang b-bibitaw Czarina. " sabi ni Hannah habang tumutulo ang kanyang mga luha. Nakaramdadam na din ako ng mainit na likido sa aking pisngi. Nag-alala din ako kay Czarina.

"Dadalhin ka namin sa hospital. Lumaban ka. "

Paika-ika kaming naglalakad habang inalalayan ni Denise Si Hannah at inalalayan ko naman si Czarina.

XYRA POV

Bilisan na natin baka maabutan nila tayo agad kaming nagtungo sa pinakamalapit na hospital. Pero nasurpresa kami ng may nauna na sa amin ang mga gamit watak watak na.

"Shh. 'Wag kayong maingay. "bulong ko

"Mukhang hindi lang tayo ang tao dito. "

"Tara na, doon tayo sa ibang hospital. "sabi ni Denise

"Tara tara. " sabi ni Hannah

"At saan kayo pupunta? " sabi ni axcel. Buhay pa pala ang demonyo.

HANNAH POV

"Buhay ka pa? Ngayon naniniwala na akong matagal mamatay ang masamang damo. " masamang tingin ang binigay ko sa principal.

Akala ko tapos na, ano na naman ito. Kapahamakan na naman lero para sa kaligtasan namin kaya kong pumatay ulit basta maligtas ko ang lahat ng andito.

"Buhay ka pa pala? Akala ko pinagpipyestahan na ang katawan mo ng mga uod. " ngiting pagbibiro ko. Haha.  Nakakatawa, ang mukha niyang namumula sa galit sige lang ganyan nga magalit ka pa para madali lang sa akin ang gagawin ko sayo.

"Magbabayad kayong lahat lalong-lalo kana Hannah. Ikaw ang uunahin ko. " galit na sigaw ni Axcel.

"Andami mo pang satsat bakit hindi mo na kami tapusin ngayon hangga't may pagkakataon ka pa. " halatang iniinis ni Denise si Axcel.

"Bilisan mo na pagod na kami gusto na naming matapos ito."

"I want to spend my time to my parents kaya ano pang hinihintay mo patayin mo na kami, as if you can. "  paghahamon ni Czarina kay Axcel na halatang pikon na pikon na.

"Ngayon pa talaga kayo magtapang-tapangan na katapusan niyo na sa mundong 'to. Paalam students. " pumikit nalang ako at hinintay ang pagtama ng bala sa akin pero wala. Sa pagbukas ko sa asking mata nakita ko si Denise ngayon ay hawak na ang baril. Kinuha ni Xyra ang injection sa bulsa niya at agad itinurok kay Axcel. Kahit nahihirapan na si Axcel ay pinipilit niya pa ring tumayo.

DENISE POV

Marami kaming naging karanasan sa unibersidad na ito at hindi ko mapigilan na hindi matuwa nang mawala na si Axcel sa buhay namin. Ilang taon at buwan ang aming mga pinagsamahan. Maraming salamat kay Lianna dahil nandito siya para patayin ang sarili nitong ama.


Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.     

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon