XYRA POV
Kahit masakit ang likod ko dahil sa saksak ni Denise ay hindi pa rin ako susuko. Makaka-alis kami dito ng buhay.
Ang akala namin ay nagbago siya na tanggap na ni Denise ang katotohanan. Naabutan kami ni principal, pinaglalaruan ang mga buhay namin na parang hawak na niya kami sa leeg.
Sabi ni Czarina umalis na raw kami at iwan siya.
"hindi ka namin iiwan. " hindi namin siya iiwan magkamatayan man."Ayaw kong mapahamak kayo. Kaya tumakas na kayo. Iligtas niyo ang buhay niyo. "sabi niya na umiiyak na.
"Matagal na akong napahamak dahil sa kagaguhan ni Axcel kaya sagarin na natin. "sabi ko
"Tama na ang drama. Czarina 'wag mo na silang patakasin wala din naman 'yang silbi dahil papatayin ko kayong lahat. "sabi ni Axcel na parang hindi man nakaramdam ng awa sa'min.
"Iwan niyo na ako. " sabi ni Czarina
"Hindi kami ganung klaseng kaibigan na nang-jiwan basta basta Czarina. Kung mamatay ka mamamatay din kami. Walang iwanan hanggang kamatayan. "sabi ni Hannah sa'min na nakangiti.
"Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Althea kung buhay pa siya ngayon na naging ganyan ka Axcel. An angel turns into devil. " mariing sabi ko sa kanya.
"Huwag na 'wag mong babanggitin ang pangalan niya. Wala kang karapatan. "sabi niya habang nakatutok pa rin ang baril sa amin.
"Oh bakit totoo naman diba. Wayback, ang bait mong principal pero ngayon wala kang kasingsama! " galit na galit ako sakanya.
"Walang hiya ka! " sabi ni Axcel na ipuputok na sana ang baril pero hindi pa man niya nakalabit ang gatilyo binato ko na ang patalim sakanya.
"Kailangan mo ng magpahinga Mr. Principal. " hindi ko alam ano ang magiging parusa ko pero hindi ko ito pagsisisihan.
"Paalam Mr. Principal. Tara na. "sabi ni Hannah at umalis na kami, pero parang kulang kami.
Si Denise.
DENISE POV
Hindi ako makapaniwalang nakita ko si mama sa harap ko ngayon at nakasuot nang puting bistida na parang bagong kasal. Agad akong lumapit at niyakap siya.
"Mama, sobrang miss na miss na kita. " sabi ko at hindi ko mapigilan ang luha sa aking mga mata.
"Anak, tara sumama ka sa akin" sabi nito at nilahad ang kamay.
"Mama tara na po, ilayo mo na ako sa lugar na 'to. Ayoko na dito. " akmang aabot ko na ang aking kamay pero may pumigil.
"Denis! gising 'wag kang sumama kay Keith. Huwag kang magpaloko." kilala ko ang tinig na 'yun. Si Xyra 'yun.
Tumingin ako sa aking harap at nakita kong si Keith nga ang nasa harapan ko.
Pero papaano?
Asan si mama?
Huli ko nang mapansin ang pagsaksak sa akin ni Keith.
"Paalam Denise. " nakangising wika sa akin ni Keith.Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay narinig ko pa ang mga boses ng mga kaibigan ko.
"Denise! Denise gising. "
"A-ate, 'wag mo akong iwan please. "
HANNAH POV
"Denise! Demonyo ka talaga Keith mamatay kana! " pinalo ko siya ng malaking bakal sa kanyang ulo at ginilitan ang leeg. Hindi ko siya tinigilan. Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon.
"Hannah, tama na 'yan patay na siya. " pagpapatigil ni Xyra sa akin pero 'di ko siya pinakinggan. Pinagsasaksak ko ang dibdib.
Sasaksakin ko pa sana siya ulit ng biglang nandilim ang paningin ko pero bago ako mahimatay narinig ko ang sinabi ni Xyra sa akin.
"Tapos na kumalma kana Hannah tapos na. "
CZARINA POV
Nanghihina na talaga ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumuhos ang luha ko ng saksakin ni Kieth si Denise hindi ko inaasahan ang ginawa ni Hannah. Bigla nalang niyang sinaksak si kieth alam kong galit na galit na si Hannah pero wala akong magawa. Ano pang silbi ko?
Wala akong magawa para tulungan sila. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ko sa sahig.
"Czarina, kaya mo pa ba? Malapit na tayo. "
"Hindi ko na kaya. " pagod na pag-amin ko at 'yun na ang nangyari. Wala na akong makita.
"Kumapit ka lang Czarina hindi ka pewede mamatay!"
Itutuloy.
Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
SAN NICOLAS UNIVERSITY
Mystery / Thriller"A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out." - Walter Winchell A girl who's sweet and kind, everyone says she is so good to be true. She has no power to kill nor hurt people but her life became miserable, since the day s...