CHAPTER ELEVEN

771 11 0
                                    

CZARINA POV

Natatakot talaga ako para kay Hannah, lalo na at mag-isa siyang pupunta doon.

"Hannah mag-iingat ka." sabi ko

"Oo Czarina mag iingat ako 'wag kang mag-alala."

Habang papalapit na si Hannah sa main gate ay kami naman lumayo ng kaunti.

"Czarina, nasaan ang mga estudyante? Bakit ang tahimik? " tanong ni Xyra sa akin.
Hindi ko mapigilang malungkot sa tanong ni Xyra.

"Hindi niyo pa pala alam, kanina ay pinapunta ang lahat sa gym para sa isang pagpupulong. Hindi ako pumasok dahil masama ang aking kutob, nasa labas lang ako nagmamanman. Nakita ko sa aking dalawang mata ang biglang pagkatumba ng mga estudyante. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila. " mahabang salaysay ko sa kanila.

Napatingin kami bigla kay Hannah, nasa tapat na siya ng pinto.

Binuksan na ni Hannah ang pinto.
Napapikit kami sa sobrang liwanag. At hindi na namin alam kung ano ang nangyari ng maramdaman namin na may tumusok sa aming likod.

At 'yun nalang ang naalala ko kasi bumagsak na kaming lahat.

Until the black shadow eat me.

HANNAH POV

Ang sakit ng ulo ko anong nangyari?

"Argh! " napangiwi ako sa sakit ng likod ko.
Nasaan kami?
Nilibot ko ang paningin ko at mukhang nasa isang bodega kami?

BODEGA?

Ang sakit ng likod ko at doon ko naramdaman na nakagapos ang mga paa at kamay ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sina Xyra,Czarina at Denise na kapwa nakagapos din.

Akala ko tapos na. Wala akong nagawa kung hindi umiyak.

Ano na naman ba ito?

XYRA POV

Nung minulat ko ang mga mata ko nakaramdam ako ng matinding kirot sa batok ko ano kayang klaseng pampatulog 'yun lakas ng epekto. Naramdaman ko na nakagapos ako, sinubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakatali.  Nakita ko si Hannah na gising na kaya ginising ko si Denise.

"Psst Denise gising kailangan nating makatakas dito. " panggigising ko sakanya

"Argh " ungol niya marahil sa sakit din.

"Nasan tayo? " tanong ni Denise

"Nasa isang bodega. "sagot ni Hannah.

Biglang bumukas ang pinto at may isang lalaking lumabas sa pinto.

Siya ba ang killer?

"Kumusta tulog girls? "tanong niya na may dalawang kasama, mga alipores niya siguro.

"Ang sama sama mo! " sigaw ni Hannah

"Ang ingay mo gusto mong putulan kana namin ng ulo? " sabi niya na may malademonyong ngiti sa labi niya.
Hinawakan ng dalawang alipores niya si Hannah at siya si Keith ang bboyfriend ni Althea akala ko patay na siya isa rin pla siya sa killer.

May kinuha ako sa bulsa ko na patalim, I'm  always prepared for anything at dahan dahan kong nilaslas ang lubid na nakagapos sa aking kamay at salamat dahil hindi nila ito napansin kaya naisakatuparan ko 'yun pero nabigla ako ng biglang sumigaw si Hannah.

"Ah! " habang hinahawakan ang kanyang braso.

Kailangan kong magmadali, minadali ko ang paglaslas ng lubid sa aking kamay at nung natapos na ako palihim akong lumapit kay Keith at mabilis kong pinalo ng kanoy. Sumugod ang dalawa niyang kasama sa akin kaya dali kong pinatid  ang isa niyang alipores at tinurukan ko ng pangpatulog. Sinunod ko naman ang isa ayun bagsak.

Ngayon lasapin niyo ang epekto na ginamit niyo sa amin.

"Xyra! Pakawalan mo na kami! " sigaw ni Hannah.

Dali dali ko silang pinakawalan pero nabigla ako na putol na ang lubid na nakagapos kay Denise. Nginitian niya lang kami at ika-ika kaming tumakas.

Itutuloy.

Please support San Nicolas University. Don't forget to vote.     

SAN NICOLAS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon