Unang Kabanata: Ang Kasaysayan ng Khiddemor

154 2 0
                                    

ERELARIA EMPIRE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ERELARIA EMPIRE

"Hindi parin ba nahahanap ang mga brilyante?" –Lucretia, ang reyna ng Erelaria Empire, isa sa mga malalakas na imperyo ng Khiddemor, isang sikretong lupain sa bayan ng Shiozuka. 

"Wala parin po mahal na reyna" saad ni Pegasus, ang kanyang heneral.

"Kailangan ko ang mga brilyante upang maging pinakamakapangyarihang nilalang dito sa Khiddemor" –Lucretia

"Naaalala niyo ba mahal na reyna kung nasaan si Prinsipe Jacob?" – Pegasus

Nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ni Prinsipe Jacob at ni Haring Dakkari ng Erelaria, si Haring Dakkari ang pumatay sa mga tagapangalaga ng brilyante at kinuha lahat ng mga brilyanteng hawak nila nung sinakop nito ang imperyo ng Saredien at Armaggedon

Ang mga brilyante ang nagbibigay kapangyarihan sa mga itinalagang Mystic Warriors na may hawak ng kapangyarihan ng apoy, liwanag, yelo, lupa, at tubig. 

Para hindi magamit ang mga brilyante sa kasamaan ay pinigilan ni Prinsipe Jacob si Dakkari.

"Hindi ko palalagpasin ang pagpaslang mo sa mga kasamahan ko, babawiin ko sayo ang mga brilyanteng iyan!" -Prinsipe Jacob

Dahil matigas ang ulo ni Haring Dakkari ay nilabanan nito si Prinsipe Jacob at ginamit ang mga brilyante sa kanya na muntik nang ikatapos ng buhay ng prinsipe.

"Prinsipe Jacob, wala kang laban sa mga brilyanteng hawak ko"

"Hyaaaaa!!!!" tinaga nito si Dakkari sa may hita na naging dahilan ng paghina nito.

"Ahhh!!! Mga brilyante, pagalingin niyo a-------" sinapak ni Prinsipe Jacob si Dakkari na naging dahilan ng pagkatumba nito. "Wala ka nang takas Dakkari, hindi mo magagamit ang mga brilyante sa kasamaan"

"Hindi ko man magagamit ito pero di ko hahayaang mapunta ulit sa mga tiga-Saredien ito" inilabas ni Dakkari ang mga brilyante "Mga brilyante, maghiwa hiwalay kayo, pumunta kayo sa lugar kung saan hindi kayo makikita ng nilalang na ito!!"

Dahil sa utos ni Haring Dakkari ay nawala sa kanya ang mga brilyante at nawala ang mga ito na parang bula at napunta sa mga lugar kung saan ay hindi sila makikita.

"Hayop ka!! Hyaaaaaa!!!"

"Ahhhhh!!" tinaga ni Prinsipe Jacob si Haring Dakkari na naging dahilan ng pagkamatay nito, napatay man nito ang hari ng Erelaria pero wala na sa kamay nila ang mga brilyante.

"Para kay Aryana!! Para sa mga kasamahan ko!!" muli niyang tinaga si Dakkari. "At para sa lahat, ng mga pinaslang mong mga mamamayan sa Khiddemor" 

"AMA!!!!" lumapit si Lucretia sa kanyang nasawing ama, "Ama, mabubuhay ka, nasaan na ang mga brilyante? NASAAN!!!" Maski si Lucretia ay hindi niya alam kung nasaan ang brilyante, kung nasa ama pa niya ito ay lalabas ang mga ito mula sa mga palad niya.

The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon