SHIOZUKA SPORTS FIELD
Natapos na ang pick up games ng mga Frisbee players at nag ayos na ng kanilang mga gamit ang mga ito para makauwi, tumigil na sila dahil papalubog na ang araw.
"Hindi ka na ba sasabay pre?"
"Hindi ehh, hahatid ko kasi girlfriend ko, nga pala babe, mga teammates ko, si Jason, si Hero, si Angge, si Camille, si Nikko, si Steve at si Andrew, mga varsity players ng Shiozuka"
"Hello" bati ng mga teammates nito.
"Ikaw Drew? Sasabay ka ba kay Nikko?" –Jason
"Hindi brad, 7 pm pa ako makakauwi, hihintayin ko pa kasi girlfriend ko, 7 pm pa uwian niya ehh" –Andrew
"Ayyy ganun?" –Jason
"Ako rin hindi na makakasabay, heto kasing si Nessan ehh, takot umuwi ng gabi hahaha" binatukan ni Nessan si Hero.
"Ikaw nga itong takot sa dilim ehh" –Nessan
"Ehh ikaw Angge? Uuwi ka na rin ba?" –Jason
"Hindi pa ehh, kakain kami ni Steve ng dinner sa labas ehh, sama ka?" –Angge
"Ahhh hindi na, enjoy na lang" –Jason
Dahil may kanya kanyang mga lakad ang mga kasamahan ni Jason ay umuwi na lang siya mag isa, naiinggit si Jason sa mga ito dahil sila may mga kasintahan samantalang siya ay wala, medyo na out of place na nga siya every time na magkakaroon sila ng practice, wala man lang magchi-cheer sa kanya, or mag aabot ng towel or inumin kada break nila, in other words, walang nag iinspire sa kanya.
"Hindi ko nga alam kung may feelings na si Hero kay Ate Nessan ehh, mukha na silang magjowa kung titignan, hanggang ganito na lang ba ako?" mula sa isipan ni Jason habang naglalakad siya pauwi.
THE FOLLOWING DAY
Pagkatapos ng klase ni Jason ay nagkita sila ni Dustin.
"Bro" –Dustin
"Ohh bakit pre?" –Jason
"Magkikita ba kayo ni Angge mamaya? Pakisabi sa kanya na umuwi ng maaga kasi gagabihin ako ehh, alam mo na, super busy ang kuya" –Dustin
"Busy saan? Computer games nanaman?" –Jason
"Oo ehh, pustahan ito, mabigat bigat nga kalaban namin ehh, o siya sige ahh" –Dustin
Mga bandang tanghali ay may isang halimaw na sumugod mula sa isang pampublikong paaralan, natakot ang mga estudyanteng palabas ng paaralan at tumakbo palayo.
"Sige tumakbo kayo, hyaaaahhh!!!" gamit ang bazooka ng Killer Clown ay pinasabugan niya ang ilang parte ng lugar.
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...