Author's POV
Hello, Happy Valentines Day to everyone!! So ayun noh, ngayon na lang ulit nakabangon sa hukay after so many months of being absent hahaha. Baka sakali lang na may kadate today, beke nemen haha!! So heto po ang isang Valentines Day One-Shot story. Sana mapakilig ko po kayo kahit papaano. If hindi, edi don't hahaha peace.
"ANG MARUPOK KONG KA-VALENTINE" featuring Hero
Hero's POV
"And that's all for today class, our exam will be scheduled before your Valentines Day Ball"
"Huh sir bakit naman before valentines?"
"Oo nga po, after na lang po sir"
Ang daming nagreact sa announcement ni sir sa darating na exam, wala namang kaso sa akin iyon. Diba? Mas ok pa ngang mag exam before Valentines, para pagdating ng Feb 14 ay wala na kaming iisipin. Ayyy sila lang naman iyon actually.
"Ayaw niyo nun? After your exam, makakapagprepare kayo for your Valentines Day ball" sagot ni sir.
"Sir, unfair samin!" sagot naman ng isa kong kaklase.
"Bakit naman po unfair?" –Sir
"Sir wala kaming kadate sa 14"
Nagtawanan ang mga kaklase ko, napa-facepalm naman si sir sa sagot ng kaklase ko.
"Wala kang kadate, ang panget mo kasi" bulong kong sagot.
"Ok enough with that, basta itutuloy natin ang exam ok? So any questions or clarifications?" –Sir
"Wala na po sir"
"Ok kung wala na, class dismiss and see you next meeting" inayos ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag ko, vacant ko ngayon kaya tatambay muna ako sa Woodfill Bar, ilalagay ko muna yung iba sa locker dahil ang bigat na ng bag ko.
Pumunta na ako sa locker room at nagpunta sa locker ko, dito ko inilagay yung iba kong reviewers, rereview pa babagsak din naman.
"Heto nanaman ba tayo Prince? Sino itong si Odette huh? Akala ko ba nagbago ka na?"
"Groupmate ko lang iyan, don't worry, nagchat lang naman siya sakin regarding dun sa activity namin"
"Ehh bakit ganito text mo sa kanya? Kumain ka na ba? Huwag kang papagutom, tapos every chat niya naka heart reaction ka pa"
"Ehh anong masama doon? Ehh ganun naman talaga ako kapag may nagcocomment or nagcchat sa kanya ehh"
Sino naman ba itong nag-aaway na ito, sumilip ako sa likuran ng locker ko at nakita ko si Lia na nakikipagtalo sa boyfriend niyang si Prince.
Sino si Lia? Crush ko lang naman siya at sikat siya dito sa school namin, then yung jowa niyang hilaw na si Prince? Wala, mayaman lang naman siya at "campus heartrob" daw dito sa Shiozuka, kung tutuusin, mas gwapo pa ako sa lalaking iyan ehh. Nag aaway nanaman silang dalawa?
"Wow ahh, nakakahiya naman sayo, so Mr. Nice Guy ka na pala ganon?" -Lia
"Pag aawayan nanaman ba natin ito Lia? Ikaw masyado ka nang praning, sa tingin mo magkakagusto ako kay Odette ehh ang nerd nun, di hamak na mas maganda ka sa kanya" –Prince
Ayownn, nadaan sa lambing ni mokong. "Ikaw naman kasi ehh, kung sino sinong babae ang kinakausap mo, sorry na babe" –Lia
"Ewan ko sayo, ang OA mo masyado, sige na at may klase pa ako" –Prince
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...