Ikalimangpung-limang Kabanata- Gayuma ng Pag-ibig

39 3 0
                                    


"Ohh sige babe, papunta na ako diyan, wala pa akong makitang trike or jeep ehh" kausap ni Nessan ang boyfriend niya through phone at nag aabang ng masasakyang dyip.

"Sige kitakits mamaya babe, I love you" binaba na niya ang phone at inilagay sa kanyang bag, "Wala na bang jeep or trike?"

Pero biglang may nakita si Nessan na tumatakbong babae na may hawak na bag. "Mukhang kilala ko yun ahh"

Hinabol ni Nessan ang babaeng tumatakbo, agad siyang nakita ng babae kaya nagmamadali ring tumakbo ito. "Teka saan ka pupunta?"

"Wala ka na ron!" napatid ang babae at biglang nadapa, nabitawan nito ang hawak niyang bag.
Lumapit si Nessan sa babae. "Pegasus!?"

"Pakialamera!" kinuha niya ang bag at tinulak si Nessan.

"Bumalik ka dito!" –Nessan

Papilay pilay na tumakbo si Pegasus, upang hindi mahabol ni Nessan ay sinipa niya ang basurahan na naging dahilan ng pagkatumba nito para hindi na siya mahabol ni Nessan.


"Hoy!" hindi na nakalapit si Nessan dahil madidikitan siya ng basura na ikinalat ni Pegasus. 

"Naisahan niya ako ahh"

Kinuha ni Nessan ang bag niya at umalis na para kitain ang boyfriend niya.



MEETING PLACE

"Babe" –Nessan

"Bakit ang tagal mo?" sagot ng boyfriend niyang si Rodney.

"Sorry babe, walang masakyan ehh, natrouble pa" –Nessan

"Anong natrouble?" –Rodney

"Ehh basta, ok naman ako, bakit ka pala makikipagkita?" –Nessan

"Napapansin ko lang kasi na parang hindi ka na nag-uupdate sakin ngayon , kahit may free time ako tinatanggihan mo na ako, sabihin mo nga Nessan, may problema ba sa akin?" –Rodney

"W—Wala naman, busy lang kasi talaga ako, graduating na kasi tayo, kailangan nang magfocus" –Nessan

"Ilang beses na kitang niyaya ng date, tinatanggihan mo palagi, at ano nga pala itong naririnig ko sa Shiozuka na nalalapit ka raw dun sa kaibigan raw nung pinsan mong bokalista ng banda?" –Rodney

Nabigla si Nessan. "Kanino mo naman nalaman iyon? Kaibigan ko lang din yun, at isa pa, alam nun na boyfriend kita" –Nessan

"Akala ko ehh" –Rodney

"Teka, bakit mo naman naisip na may ibang lalaki ako? So ganun pinagdududahan mo ako?" –Nessan

"Hindi naman sa ganun, ang hirap lang kasi ng sitwasyon natin ehh, ok sana kung hindi ako lumipat ng Shiozuka dati ehh, ayoko lang kasing mawala ka sa piling ko Nessan" –Rodney

"Ewan ko sayo, yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito? Sige uwi na ako, pagod ako galing school" –Nessan

"Teka Nessan" –Rodney

"Mag usap na lang tayo bukas ok? Pagod lang ako" –Nessan

Habang nagkakatampuhan si Nessan at Rodney ay nakamasid si Pegasus sa isang poste. "Hahaha, iyan pala ang kahinaan mong babae ka, tutuluyan na kita kapag nakita ulit kita"


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon