Hindi parin mapakali si Nessan, bati na sila ni Rodney pero ang gumugulo parin sa kanyang isipan ay kung sino ang gumawa ng gayuma kina Dustin at Prinsipe Gabriel. Naalala niya na si Ma'am Dela Vega a.k.a Pegasus ang huli niyang kasama bago dumating sina Mariah, Dustin at Prinsipe Gabriel, pero ayaw naman niyang pag isipan ng masama ang professor pero siya lang siguro ang makakasagot nito if may nagtatangka nga talaga sa kanya.
Ilang beses na siya nag aantay sa faculty pero hindi parin raw pumapasok or lumalabas itong si Ma'am Dela Vega, hindi na siya nakatiis at pinuntahan na niya si Prinsipe Jacob.
"Nang dahil sa isang gayuma? Kaya nag away si Dustin at ang kapatid ko?" –Prinsipe Jacob"Opo sir, nakabalik lang po sila sa normal nang pinainom namin sila ng gamot kontra sa sumpa na binigay ng inyong ama" –Nessan
"Sino naman sa tingin mo ang gagawa niyan?" –Prinsipe Jacob
"Yun nga po ang gusto kong malaman ehh, pati po tuloy kapatid niyo nadamay sa iskandalo nung isang araw sa caf" –Nessan
"Hayaan mo na iyon, basta kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang nangyari" biglang kinabahan si Nessan sa sinabi ng prinsipe. "I need to go, may klase pa ako ehh"
"Thank you sir" –Nessan
Nagpunta muna sa CR si Nessan, pumasok siya sa cubicle para gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Sino kaya ang gagawa sa akin ng ganun? Wala naman akong kaaway" mula sa isipan niya.
Pagkatapos niyang mag CR ay lumabas na siya, pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang babaeng papadaan kaya isinara niya muna ang pintuan ng cubicle.
Binuksan niya ng karampot ang pintuan at sumilip ng kaunti. "Si Ma'am Dela Vega yun ahh?"
Nasa may lababo ang professor at naghuhugas ng kamay nito, pagkatapos ay pinunasan niya ng tissue ang kanyang kamay at may kinuha sa kanyang bag, kinuha nito ang isang potion at pinagmasdan ito. "Hmmm mukhang epektibo ito ahh, kamusta na kaya ang dalawang lalaking nakikipagpatayan para sa isang babae? Hahaha nakakatawa"
Tama ang hinala ni Nessan, si Ma'am Dela Vega ang may gawa ng gayuma mula sa inumin niya noong isang araw. Nagtataka lamang siya kung bakit kailangan niyang gawin ito sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawang masama.
"Ang sarap paglaruan ng mga paslit na ito" nanlaki ang mga mata ni Nessan nang nagtransform si Ma'am Dela Vega bilang Pegasus, agad na kinuha ni Nessan ang kanyang phone sa kanyang bulsa at vinideohan ito. "Pagkatapos ko sa mga estudyanteng ito, isusunod na kita Prinsipe Jacob o kaya Sir Jake pweeeeeh!!" muling nagbalik bilang Ma'am Dela Vega si Pegasus, lumabas na rin ito ng CR, lumabas na sa cubicle si Nessan.
"Kailangang makarating kay Sir Jake ito" –Nessan
FACULTY
"Ma'am Dela Vega" tinawag ni Prinsipe Jacob si Pegasus pagkapasok nito sa faculty room.
"Bakit po?" –Pegasus
"Ma'am may itatanong lang po ako sa inyo" –Prinsipe Jacob
"Ahhh ano po iyon?" –Pegasus
"Maaari ko po bang malaman kung saan kayo nakapagtapos?" –Prinsipe Jacob
Nagtaka bigla si Pegasus. "Bakit niyo naman pong gustong malaman ito"
"For additional details for the research lang po, kasi maari ko po kayong isama as a role model on my research" –Prinsipe Jacob
"Huh? Bakit naman ako?" –Pegasus
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...