Ikatatlongpung-pitong Kabanata- Ang Susunod na Tagapangalaga

40 3 0
                                    

"Ngayon tatapusin ko na kayo lalo na't wala na kayong kapangyarihan hyaaaa!!!" tumakbo si Pegasus hawak ang kanyang espada para sugurin ang mga walang labang Mystic Warriors.

Pero....

"Ahhhhh!!!!" may panang tumama mula sa balikat ni Pegasus.

"Huh?" –Dustin

"Ikaw ba iyon Mariah?" –Genevieve

"Si Prinsipe Gabriel!" –Mariah

"Ikaw!? Ang isa pang prinsipe ng Saredien?" –Pegasus

"Oo at hindi kita hahayaang magtagumpay sa plano mo!" –Prinsipe Gabriel

"Kungji Magician! Ikaw na ang bahala sa kanya!" pagalit na sigaw ni Pegasus, agad nang umalis ito at pinaubaya na lang sa Kungji Magician ang lahat.

"Grrrrrroaaarr!!!" itinaas ng Kungji Magician ang kanyang scepter at muling nagpasabog sa kinatatayuan ng mga Mystic Warriors.

"Guys! Umilag tayo!!" –Dustin

Mabuti na lang at naiwasan ng mga ito ang pagsabog na ginawa ng Kungji Magician.

"Tara na" –Prinsipe Gabriel

Tumakbo ang mga walang labang Mystic Warriors habang hinahabol sila ng mga Kungji, papunta ang mga ito sa imperyo ng Saredien.


SAREDIEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAREDIEN

"Mabuti na lang at nakita ko kayo, ang sabi sa akin ng aking nakakatandang kapatid ay bantayan ko kayo, patawad at nahuli na ako sa pag agaw ng kapangyarihan" –Prinsipe Gabriel

"Maraming salamat prinsipe, ang problema na lang natin ay kung paano natin makukuha ang kapangyarihan ng ating brilyante" –Dustin

"Hindi ako sanay, nagbblurred ang mga mata ko" –Mariah

"Ako nga din ehh, parang nawala yung lamig ng katawan ko" –Genevieve

"Kaya pala inaantok na ako ehh" –Dustin

"Ehh antukin ka naman talaga may brilyante man o wala hahaha" –Mariah

"Masama ito, baka gamitin nila ang kapangyarihan ng mga brilyante sa kasamaan" –Prinsipe Gabriel

"Teka matanong lang, sino yung mga minions na iyon? Saka bakit kasama nila si Pegasus?" –Jason

"Mga Kungjis sila, isa silang tribo na nakatira sa isla na malapit sa Erelaria at Crisea, malamang nagpunta doon si Pegasus" –Hero

"Akala ko pa naman tapos na ang kaguluhan, may panibago nanaman tayong sakit sa ulo" –Genevieve

"So paano natin lalabanan ang mga yun? Nasa kanila ang mga powers natin" –Mariah

The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon