Natuklasan ni Jason at Mariah na si Hero si Herodes.
"Ikaw ang muntik nang pumatay sa amin!" –Jason
"Hindi ko alam ang sinasabi mo" –Herodes
"G*go ka ba? Kami ang mga tagapangalaga ng mga brilyante!" inilabas ni Jason ang kanyang brilyante upang magpakilala kay Herodes.
"Kayo pala iyon? Sana sinabi mo sakin kaagad para napaslang kita ng maaga pa!" itinulak ni Herodes ang dalawa, sa lakas ng impact ng tulak ni Herodes ay tumama ang dalawa sa teacher's table. Pagkatapos ay nawala na parang bula si Herodes.
WOODFILL BAR
"Una pa lang may pakiramdam na ako sa Hero na yun ehh, tama nga ang kutob ko" sabi ni Dustin habang nakaharap sa kanyang laptop.
"So anong balak natin, nasa Shiozuka din pala itong si Herodes" –Genevieve
"Ang masaklap, teammate pa nitong isa, ehh pano kung magpang abot itong dalawa, yari na" –Mariah
Nag iisip padin si Jason, parang nananaginip lang siya nang makita niya si Hero na isa sa malalapit niyang kaibigan sa Frisbee team na magtatangkang wakasan ang buhay nito.
"Jason ikaw? Anong balak mo?" –Dustin
"Hindi ko pa alam bro, sa amo ng mukha ni Hero, siya si Herodes? Hahaha saan naman niya nakuha ang kapangyarihan niya, saka bakit gusto niya tayong patayin?" –Jason
"Baka galit sayo, di mo yata pinapasahan ng disc ehh" –Genevieve
"Sa kanya nga lagi ehh" –Jason
"Isang buwan na natin pinoproblema yang Herodes na yan ehh, papaano natin siya matatalo?" –Mariah
"Hindi natin basta basta pwedeng patayin si Hero, siguro may nag uudyok lang siguro sa kanya kaya niya nagagawa yun" –Jason
"Siguro, diba sabi niya dati" –Mariah
FLASHBACK
"Kayo ang problema ko, hindi sana ako namatay dati kung di dahil sa inyo, at ito na ang panahon para makaganti ako sa inyo, ako ang tagapangalaga ng brilyante ng kadiliman"
"So matagal nang patay itong si Hero? Nagrevive lang? Yikeess nakakatakot na tuloy siyang lapitan" –Genevieve
"Parang ganun na nga" –Mariah
"Tama nga, may nag uutos sa kanya na patayin tayo, siguro yung mga panget na taga Erelaria yun" –Jason
"Ehh diba nga kaaway niya din yung mga yun?" –Mariah
"Ehh ikaw Dust? Any suggestions?" –Genevieve
"Ahh wala ehh" patuloy padin si Dustin sa ginagawa niya.
"Tama na kasi yan!" ginalaw galaw ni Mariah ang mouse na ginagamit ni Dustin,
"Huy Mariah huwaaaag!! Matatalo ako!" –Dustin
"Hindi ka maistorbo ehh hahaha" –Mariah
Sa kabilang banda ay muling nagbalik sa dating anyo si Herodes bilang si Hero, at tulad ng dati ay sumasakit padin ang kanyang ulo sa tuwing babalik siya sa kanyang normal na pagkatao, ganun din sa pagiging Mystic Warrior.
"Papaano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyari? Nahihiya na tuloy ako lumapit kina Jason" –Hero
Nasa canteen si Hero at nag iisa lamang siya, ayaw muna niyang sumama sa mga barkada niya dahil baka sumpungin nanaman muli siya at ayaw na niyang muling makita ang sikreto nito.
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...