"Sa kapangyarihan ng binhi ng pagbangon, mabuhay ka aking kaibigan!!! Hahahaha!!!" –Erasmus
SAREDIEN
Nagdidilim ang kalangitan sa buong Saredien, maski sa buong kaharian ng Khiddemor.
"Mapanganib ito" mahinanong sabi ni Haring Azrael ng Saredien.
"Bakit ama?"si Prinsipe Gabriel, ang prinsipe ng imperyo ng Saredien
"Ito ang kinatatakot ko, may nabuhay na isang malakas at kinatatakutang mandirigma" –Haring Azrael
"Kinatatakutan?" –Prinsipe Gabriel
"Nabuhay na muli ang mandirigmang may hawak ng brilyante ng kadiliman" –Haring Azrael
Si Herodes, ang mandirigmang may hawak ng brilyante ng kadiliman, sampung libong taon na ang nakalipas mula ng nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Khiddemor at Crisea, si Herodes ang prinsipe ng kaharian ng Crisea at ilan sa magigiting na mandirigma nito ang nakakuha ng brilyante ng kadiliman. Dahil sa angking kapangyarihan nito ay mahirap siyang talunin ng mga sinaunang mandirigma ng Khiddemor. Dahil sa tulong ng mga tagapangalaga ng brilyate ay natalo nila ang kapangyarihan ng kadiliman at napatay nito si Herodes, nawala ang kapangyarihan ng brilyante ng kadiliman ngunit may nagsasabing nawawala ito pero ang totoo ay hawak padin ito ni Herodes maski patay na ito.
"Anong gagawin natin ama? Mamaya sugurin nito ang ating kaharian" –Prinsipe Gabriel
"Kailangang mahanap natin ang mga may hawak ng brilyante, alam ko nasa mundo sila ng mga tao" –Haring Azrael
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasiAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...