Ikadalawamput-apat na Kabanata- Ang Huling Sagupaan Part 3

38 3 0
                                    

CRISEA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CRISEA


Wala na sa isip ni Herodes na maghiganti sapagkat ay naipaliwanag na niya sa mga tagapangalaga ng brilyante ang nangyari sa kanya. Ang iniisip na lamang niya ay paano siya haharap kay Erasmus.

Nagpunta si Herodes sa Crisea upang kausapin si Erasmus pero napatigil ito dahil kausap ni Erasmus si Lucretia.

"Oo naman ako pa hahaha" –Lucretia

"Kaunti na lang at mapapabagsak na natin ang mga tagapangalaga ng brilyante, at makukuha na rin natin ang mga brilyante sa kanila" –Erasmus

"Pero paano ang brilyante ng dilim? Saka si Herodes? Nasa kanya pa ang brilyante" –Lucretia

"Napagplanuhan ko na iyon Lucretia, mauubos ang kapangyarihan ni Herodes at tuluyan na itong mawawalan ng lakas" –Erasmus

Nagtago si Herodes sa poste ng palasyo upang pakinggan pa ang usapan ni Lucretia at Erasmus

"Ano ang ibig mong sabihin?" –Lucretia

"Ipinakain ko sa kanya ang binhi ng destruksyon na bumuhay sa masamang ispirito ng kadiliman upang lumakas ang kapangyarihan niya pero hindi niya alam na iyon ang papatay sa kanya hahaha" –Erasmus

Nagalit si Herodes sa narinig niya mula sa bibig ni Erasmus, itinuring niyang kaibigan si Erasmus pero sa isip niya ay hindi niya akalaing tatraydurin siya nito nang dahil lang sa kapangyarihan ng brilyante.

"Kapag nakuha mo ang mga brilyante kay Herodes at nakuha ko ang mga brilyante sa mga paslit na iyan, tayo na ang magiging pinaka-makapangyarihang imperyo dito sa Khiddemor" –Lucretia

Nakikinig pa si Herodes pero agad na napansin siya ni Erasmus at ni Lucretia nang nadanggi niya ang isang babasaging vase na nakatabi malapit sa poste na pinagtataguan niya.

"Teka may tao" –Erasmus

"Ayun!" nakita ni Lucretia si Herodes.

"Herodes? Anong ginagawa mo dito?" –Erasmus

Lumapit si Herodes pero hindi niya sinumbatan o sinaktan si Erasmus nang dahil sa mga narinig nito "Ahh wala, nag uusap pala kayo"

"Ahhhmm oo Herodes, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Erasmus

"Ayos lang naman, medyo masakit lang katawan ko" iba ang reaksyon ni Herodes nang sinagot niya si Erasmus, parang gusto niyang sakalin si Erasmus.

"Masakit? Ehh diba malakas na ang katawan mo pagkagising mo?" –Erasmus

"Masakit lang ang katawan ko matapos ang pakikipaglaban ko, ahhh sige baka importante yang pinag uusapan niyo, huwag kang mag alala babawian ko ang mga tagapangalagang iyon" sagot ni Herodes

The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon