Dustin's POV
Medyo kalmado na ako for the previous days after mamatay ni Melay, sabi nga ni Genevieve, magkakasama kami kahit anong mangyari, well swerte ko naman dahil dalawang maganda ang kasama ko ehem.
Nandito kami sa resto bar na tambayan nila Genevieve, habang nakatambay ay pumasok yung kapatid ko kasama ang mga teammates nito, agad akong kumuha ng unan at tinaklob sa mukha ko at humiga sa sofa.
"Isang cappuchino, teka dalawa na nga lang"
"Kape talaga? Baka naman mataranta ka sa game natin mamaya" yung kapatid ko yung nagsasalita.
Mga ilang minuto lang ay agad na may kumuha ng unan na nakatakip sa aking mukha.
"Aha, PS hindi po tulugan ito Dust ok?" si Genevieve pala at patay, yung kapatid ko.
"Angge?"
"Kuya naman, buking na buking ka na" –Angge
"Teka Gen? tinuro mo ba ako? Akala ko ba kaibigan kita?"
"Kuya, kilalang kilala ko yang suot mong sapatos, saka paghiga mo pa lang alam ko na" –Angge
"Ohh kitam, pati sa pagtulog mo kilala ka na hahahah" –Genevieve
Same school kami ng pinapasukan ni Angge, parehas kami ng year kaso mas matanda ako ng isang taon sa kanya, varsity kasi sila ng Shiozuka Ultimate Team at sabi ay may practice game daw sila konta sa kabilang school at iniinvite niya akong manood mamayang hapon.
SPORTS FIELD
"BOTH TEAMS TIME HAS STARTED SEVEN ON THE LINE!!"
Ayan start na ang game nila, kalaban nila ang Santo Domingo Red Lions.
"Valencia holding the disc, pass to Martinez, long throw to Bernardo but the disc was swapped by Hizon!! Jason with his second rejection!!"
"Magaling yung Hizon ahhh" kasama kong nanood sina Genevieve at Mariah, medyo intense ang game, parehas magagaling.
"Ayun!!! Kaya mo yan!!" –Mariah
"Hizon vs Ibanez, who can reach the disc" nagbabakbakan ang dalawa kung sino ang makakakuha ng disc at matagumpay na nakuha nung Hizon ang disc.
"Nice catch by Hizon!!! Shiozuka Ultimate leading by 5 points!! Time out Red Lions!!"
"Go Jaguars!!" –Mariah
Naenjoy naman namin ang game kahit papaano, nung patapos na naging intense ang game dahil dikit ang labanan.
"Hardcap is on!! One point for the Jaguars to win the game!!"
"UP!!!"
"Long throw by the Jaguars, can they finish or the Red Lions can stop it, Hizon running through the disk, he approaches and scores!! Jaguars win!!!"
"Wooohoo!!!! Galing!!" –Genevieve
Nanalo ang Jaguars sa kanilang practice game, after ng game ay pinuntahan ko ang kapatid ko.
"Nice game tol!!" bati ko sa kapatid ko sabay bigay ng sports drink at towel.
"Salamat Kuya, wait si Jason nga pala, galing niya kanina no? Jason, si Kuya Dustin nga pala, saka yung crush niya este yung kaibigan niya" pang asar ng kapatid ko, alam niya kasing may crush ako kay Mariah kaya nasabi niya yan.
"Hi Jason, I'm Mariah, nice game kanina, galing mo hehe" abay nagpapacute pa, yung totoo?
"Thank you" napakamot na lang yung Jason.
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...