ERELARIA
Nakita ni Pegasus ang nangyari sa kanyang pinsan na si Romeo at galit na galit ito kay Herodes kaya pinuntahan niya si Lucretia.
"Mahal na reyna!!" pagalit na sigaw ni Pegasus
"Mahal na reyna, kailangan niyong pagsabihan si Herodes, pinatay niya ang aking pinsan na walang kalaban laban!!" –Pegasus
Hinarap ni Lucretia si Pegasus "Labas ako diyan Pegasus, hindi ko naman tauhan yang Herodes na iyan, kung gusto mong ipaghiganti ang iyong pinsan ay harapin mo si Herodes, o kaya ang kaibigan nitong si Erasmus"
"Pero mahal na reyna, hindi ko hahayaan na lang ang pagkamatay ni Romeo" –Pegasus
Agad na nilapitan ni Lucretia si Pegasus "Huwag kang mag alala Pegasus, kapag naudyot natin si Herodes tungkol sa hawak niyang brilyante, madali na natin siyang mapapabagsak" –Lucretia
Nagmatigas padin si Pegasus, ang iniisip niya ay parang walang pakialam si Lucretia sa kanya at intensyon lamang niya na makuha ang mga brilyante mula sa Mystic Warriors kaya umalis na lang ito at hinanap si Herodes upang maghiganti sa pagpatay niya sa kanyang pinsan.
Nagpunta sa kagubatan ng Crisea si Pegasus.
"Herodes!!"
"Herodes nasaan ka!!?"
Ang kagubatan ng Crisea ay madilim at masukal at masasabing dito nagtatago si Herodes.
"Nasaan kaya yun? Siguro tumakas na yun at nagtago" napaisip si Pegasus, naupo muna siya sa isang malaking bato at napagtanto niya na kung magpapakita ang mga tagapangalaga ay maaring magpakita si Herodes sa kanya at habang kalaban nila ito ay doon siya kukuha ng tiyempo para paslangin si Herodes.
Tumakbo si Pegasus patungo sa mundo ng mga tao pero paglabas niya ay kaagad dumilim ang kapaligiran at nagpakita sa harap niya si Herodes.
"Ako ba ang hinahanap mo?" nagulat si Pegasus sa agad agad na pagsulpot ni Herodes
"Ahh... oo kailangan nating mag usap dahil may problema ako sayo" –Pegasus
"Problema saan? Tungkol ba sa pinsan mo? Wala na siya, isa na siyang malamig na bangkay" –Herodes
"Yun na nga ehh, dahil sayo wala na ang pinsan ko kaya magbabayad ka!" kinuha ni Pegasus ang kanyang espada at hihiwain niya sana ito paharap kaso agad na nakailag si Herodes.
"Maari naman natin pag usapan ng masinsinan ito Pegasus, huwag mo akong daanin sa dahas" –Herodes
"Hindi mo na ako mapipigilan, masyado kang pakialamero!" –Pegasus
"Sabi mo yan ehh" kinuha ni Herodes ang kanyang katana at binantaan si Pegasus "Kung ako sayo, hindi ko na lang itutuloy yang paghamon mo!"
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...