KUNGJI EMPIRE
"Mahal na Haring Kreios" pinuntahan ni Pegasus ang si Kreios para ipakilala ang kanyang bagong kaibigan.
"Bakit Pegasus?? Teka, sino siya?" –Kreios
"Ang pinaka makapangyarihang halimaw ng sinaunang Griyego, si Medusa" –Pegasus
"Ano naman ang kayang gawin niyan? Baka pumalpak rin iyan katulad ng karamihan sa mga naging alagad mo" –Kreios
Nagalit si Medusa at sumama ang tingin kay Kreios.
"Teka anong nangyayari sa akin?" biglang nanginig si Kreios. "Tulungan mo ako Pegasus"
"Bakit?" –Pegasus
"Naninigas ang buong katawan ko, tulungan mo ak-----" natigil si Kreios hanggang sa naging bato ito.
"Kreios" –Pegasus
Hinipo niya ang istatwang Kreios. "Ikaw ba ang may kagagawan nito?" Biglang naalala ni Pegasus na ang isa sa mga kapangyarihan ni Medusa ay ang gawing bato ang kanyang mabibiktima.
"Ibalik mo siya sa dati, siya ang ating pinuno" utos niya kay Medusa. "Pakiusap, pakibalik siya sa dati" Sinunod niya ang utos ni Pegasus, muling bumalik sa normal na anyo si Kreios.
"Haaaah, makapangyarihan pala siya Pegasus" –Kreios
"Syempre naman, ang problema nga lang ay hindi siya nakakapagsalita" –Pegasus
"Pagsasalitain natin siya" kinuha ni Kreios ang kanyang sentro at ginamit ang kapangyarihan para makapagsalita si Medusa. "Hyaaaah!!!"
"Patawarin niyo ako sa aking nagawa pinuno, sapagkat ako'y nabigla lamang sa sinabi ninyo, pangako at hindi ko kayo bibiguin sa mga iuutos niyo sa akin" –Medusa
"Mabuti naman, at paniguradong mapagkakatiwalaan kita Medusa" –Kreios
"Ipinadala ko na sa kabilang mundo ang mga alagad ko, sa ngayon ay sinasalakay na nila ang mga nilalang doon" –Medusa
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...