Ikatatlongpung-limang Kabanata- Ang Pagbabalik ng Kadiliman

38 3 0
                                    


CRISEA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CRISEA

"Nagugutom na ako"

"Konti na lang ito, kailangang dalhin ang mga ito sa Crisea bago magbukang liwayway" sagot ng isang manggagawa ng Crisea, inutusan sila na tanggalin ang lahat ng mga dayami sa lupain ng Crisea upang dalhin sa sementeryo.

"Dito muna ako, masyado akong napagod" naupo sa isang pwesto ng libingan ang kawal upang magpahinga muna, sa sobrang pagod ay nakatulog ito.

Habang natutulog ang lalaki sa puntod ay biglang may lumabas na madilim na kaluluwa mula sa puntod, ito ang masamang ispirito na nanggaling sa brilyante ng dilim nung nawala ito mula kay Herodes. Agad na sumapi ito sa lalaking nagpapahinga at binigyan ito ng lakas.

"Gising ka na pala, bumalik ulit tayo ng Crisea" tawag sa kanya ng kasamahan niya.

"Ahhhhhh!!!!" bigla na lang inatake ng lalaking sinapian ng masamang kaluluwa ang kanyang kasamahan na ikinasawi nito.


SHIOZUKA SPORTS FIELD

Nagsasanay ang Team Bullet Ultimate para sa upcoming league na gaganapin sa susunod na linggo.

"Dito dito!"

"1....2....3..."

"UP!!" nakuha ni Jason ang disc.

"Dito bro"

"1....2....3" hindi alam ni Jason na nasa likod niya si Hero at pagkabato nito mula sa kakampi niya ay natapik ito ni Hero.

"Ahhh" –Jason

"Nice defense Hero!" bati ng kakampi niya.

"Stack!"

"Disc in!"

"UP!!!" ibinato ng kanilang handler ang disc sa ibang pamamaraan, hinabol ito ni Hero at ni Jason.

"Hyaaaah!!" nag unahan sina Jason at Hero at nahabol ito ni Jason at nasalo.

"Nice one Jason!!"

Muling bumalik sa offense ang team nila Jason, at sa ilang mga possession ay nakapuntos sila, hindi na nakatakbo si Hero pabalik sa depensa dahil napagod ito kanina.

"Sub muna!" –Jason

Agad na lumabas sina Jason at Hero dahil sa sobrang pagod.

"Kah kah kah, ang layo nun Boris, hindi ko masasalo basta yun" –Hero

"Pasensya na, akala ko kasi kaya mo ehh" –Boris

"Ok lang, bawi tayo next line, teka? paano mo nagawa yun? anong klaseng throw yun?" –Hero

The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon