Mariah's POV
Anong nangyari?
Yung bato? Nasaan na? Hindi ko naman itinapon ahh. Nasaan na?
Hala huwag namang ganyan at baka hanapin yun ng mama or papa ni Avah, lagot ako baka may CCTV dito.
Bato? Yuhooooo. Sumilip ako sa ilalim kaso wala doon. Anu ba iyan. Mukhang mamahaling bato pa naman yun.
Dahil sa nerbyos ko ay nag-CR muna ako, papaano ko ipapaliwanag kay Avah yun.
Pagbalik ko sa living room nila ay natulala akong humarap sa kanila.
"Ohh Mariah? Parang nakakita ka ata ng multo?"
"Aaa----h? Multo?"
"Hello, hindi ka naman ganyan kanina ahh, may problema ka ba?" kinapa kapa pa ako ni Cleo at hinawakan ang tiyan ko. "Oh my gosh, don't tell me Mariah"
"Heh!!! Ang OA mo!!" sambit ko
"Ang mean ko, baka gutom ka lang, akala mo iisipin kong buntis ka? Kanino?" –Cleo
Oo nga gutom lang siguro ako kaya kung ano ano nakikita ko, kinuha ko yung platong may donuts na iba ibang flavor at kumuha ako ng dalawang piraso.
"Avah?"
"Bakit Mariah? Kulang pa ba? Gusto mo magpadeliver pa tayo" –Avah
"Huwag na, baka itakeout ko lang yun, may mga bato ba kayong umiilaw dito?" Nung binanggit ko yun, parang nastun si Avah na nakatitig sakin "What? Hahahaha, mukang bitin ka pa ata Mariah ahh, anong flavor ba ng donuts ang gusto mo hahaha"
Inubos ko muna yung kinakain kong donuts "Seryoso ako, may nakita akong umiilaw na bato dun sa may halaman ninyo nung nag CR ako tapos parang may ewan na nangyari sakin"
"Mariah, nakakatakot ka na, baka matokhang ka nang dahil sa bato" –Cleo
"Saka nailaw na bato? Wala naman kaming ganun ano, mostly ng rocks na binibili namin, mga galing lang ng mall yun, di naman kasi basta pumupulot mula sa tabi tabi no" –Avah
"Stress ka lang Mariah, magpahinga ka na lang muna" –Cleo
Siguro nga stress lang ako, pero bakit ganun? Parang iba ang nararamdaman ko simula ng hinawakan ko yung bato?
THE FOLLOWING DAY
Maaga akong pumasok sa class namin dahil may outline akong gagawin sa isa kong subject, after ng stress kagabi parang gumaan ata yung pakiramdam ko, parang ang sigla sigla ko tuloy.
Naupo ako sa table na wala masyadong tao para walang distraction, sinalpak ko yung earphones ko para di nakakaantok diba?
"zzzzzzzz"
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...