Ikatatlongpung-anim na Kabanata- Ang Bagong Guro

34 2 0
                                    

SHIOZUKA UNIVERSITY

9 am

"You should remember all the dates and venues, maari kong ibigay sa exam iyan pero don't worry, hindi niyo naman kailangang kabisaduhin lahat, you need to be familiarize lang" class hours parin ngayon at patuloy ang pagdidiscuss ni Prinsipe Jacob sa kanyang klase.

Habang kasagsagan ng klase ay agad namang nagpunta si Pegasus sa Shiozuka University kasama ang kanyang mga bagong tauhan na mga Kunjis.

"Dito matatagpuan ang mga yun, ang mga mga tagapangalaga ng brilyante" –Pegasus

Dahil wala masyadong tao at kasagsagan ng class hours ay pumasok ang mga ito, nagpanggap na normal na tao ang mga Kunjis.

"Teka? Paano niyo nagawa iyan?" tanong ni Pegasus sa mga Kungis na nagbalat kayong tao.

Hindi nakakapagsalita ang mga ito pero ibinigay ng isa sa mga ito ang isang potion na maaring makapag ibang anyong tao.

"Hmmmm" agad na ininom ni Pegasus ang potion na ito at biglang nag ibang anyo ito.

"Ang mga estudyanteng pasaway ay kailangan ng isang katakot takot na guro, kapag naisahan ko ang mga tagapangalaga ng brilyante, lagot na sila hahahaha" –Pegasus

Agad na nagpunta sa main entrance ang mga ito, pinangunahan ito ni Pegasus.

"Ahh ma'am saan po kayo?" tanong ng guard.

"Sa loob, isa akong guro ng paaralang ito" sagot ni Pegasus.

"Ma'am hindi ko po kayo kilala ehh" tanong ng guard.

Nagmasid masid muna si Pegasus sa paligid at may nakita siyang bulletin board sa may tabi ng guardhouse. "Ako si Kris Dela Vega, ako ang magiging bagong guro sa paaralang ito"

"Ahh kayo po pala si Ma'am Dela Vega, pasensya na po ma'am ahh, sino po yang mga kasama mo? Estudyante mo?" –Guard

"Natural, so pwede na ba akong pumasok? Magsisimula na ako ehh" –Pegasus

"Opo ma'am, makakapasok na po kayo" pinapasok ng guard

Pinatuloy ng guwardya sina Pegasus at ang mga Kunjis na nagbabalat kayong mga estudyante ng Shiozuka.

"Ngayon, kailangan makita ko ang mga tagapangalaga ng brilyante na iyan" –Pegasus

Napaisip si Pegasus kung saan makikita ang mga ito, pumasok siya sa loob ng faculty center.

"Kayo, dito lang kayo ahh, huwag kayong magulo" iniwan ni Pegasus sa labas ang tatlong Kunjis.

"Good morning ma'am" bati ng isang teacher sa kanya, tumango na lang si Pegasus.

"Bakit nga ba ako nandito?" mahinang bulong ni Pegasus.

Sa kabilang banda naman

"Class, instead of a seatwork, gagawin ko na lang homework iyong essay niyo dahil hindi tayo magmemeet for the class tomorrow" natuwa bigla ang mga estudyante pero hindi nagpahalatang gustong gusto nila na walang klase. "I will attend a press conference in Cebu tomorrow, maybe 3 to 5 days akong absent, wala pa akong nahahanap na substitute ehh kaya no classes muna tayo for tomorrow ok?"

"Opo sir" sagot ng mga estudyante niya.

"Ok that's all for today, class dismiss" niligpit na ni Prinsipe Jacob ang kanyang mga gamit at nagsilabasan na rin ang mga estudyante niya.

Bumalik si Prinsipe Jacob sa faculty center nang bumungad sa kanya sa labas si Pegasus.

"Prinsipe Jacob ng Saredien, nagkita rin ang landas natin, ang liit talaga ng mundong ito" mainit na bulong ni Pegasus sa kanyang sarili. "Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa Reyna Lucretia"

The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon