Kinagabihan ay hindi makatulog ng maayos si Dustin, bago sa kanya ang hindi makatulog dahil palagi itong inaantok at nakakatulog ng mabilis pero sa kanyang sitwasyon ngayon ay parang first time niyang hindi makatulog.
"Arrggggh!! Bakit ganito?" hindi niya maipaliwanag kung hindi lang siya makaget-over sa mga nangyari sa kanya ngayong araw na ito.
Chineck niya ang oras sa kanyang phone, ala-una na ng madaling araw, minsan alas nuebe ay tulog na si Dustin pero ngayon lang siya napuyat ng ganito sa kanyang buong buhay.
SA KAHARIAN NG ERELARIA
"Mahal na reyna! Pinapatawag mo daw po ako?" –Pegasus
"Pegasus, pinapakilala ko sayo si Erasmus, mula sa dating kaharian ng Crisea at siya ang tutulong satin para sirain at patayin ang mga taong iyan" –Lucretia
Ang kaharian ng Crisea ay karating lugar lamang ng Erelaria, dating nagkaalitan ang mga imperyo ng Armaggedon, Erelaria at Saredian kontra Crisea dahil sa pag agaw ng dating hari ng Crisea sa kapangyarihan ng dating hari ng Armaggedon, dahil sa gusto nilang mapasakamay ang buong Khiddemor ay nagkagulo ito, natalo ang Crisea at tuluyang bumagsak sa kamay ng tatlong imperyo.
"Crisea? Diba sampung libong taon nang wala ang kaharian ng Crisea?"–Pegasus
"Muli akong bumalik at binigyang buhay muli ng aking mahal na reyna Lucretia" si Erasmus ay anak ng isang heneral ng Crisea, bago mawasak ang Crisea ay napaslang sa digmaan ang kanyang ama kaya hindi na nahawakan ng kanyang ama ang trono bilang hari. Sa kapangyarihan ng binhi ng pagbangon ay muling nabuhay si Erasmus, salamat kay Lucretia.
"Mahal na reyna, ibig sabihin ginamit mo ang binhi ng---" –Pegasus
"Oo Pegasus, ang binhi ng pagbangon na tinatago ng aking ama dati pa lang at ayan ang resulta"–Lucretia
"Anong balak niyang gawin ngayon? Mahal na reyna?" –Pegasus
"Ibabalik daw niya ang kanyang dating kaibigan, isang kinatatakutang mandirigma nung kanyang kapanahunan, sabihin na nating, kalaro niya nung unang panahon ng mga kalolo lolohan natin" –Lucretia
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...