Habang nagbbrowse sa kanyang laptop ay nakita ni Dustin ang headline na may isang halimaw na umatake sa kanilang bayan at ito ngayon ay pinipigilan ng mga Mystic Warrior.
Wala namang magagawa si Dustin dahil wala sa kanya ang brilyante ng apoy.
Itiniklop na niya ang kanyang laptop at ipinatong sa mesa. "Ano gagawin ko? Wala sa akin ang brilyante"
Hindi napigilan ng mga Mystic Warriors ang Celestius kaya nagbackout muna sila, at ang magandang balita ay napigilan nila ang Celestius na makapasok sa bayan at tumigil na ito sa pag atake.
SAREDIEN
"Masyadong makapangyarihan ang Celestius, wala na bang ibang paraan para mapigilan ito Amang Hari?" –Prinsipe Gabriel
"Oo nga po ama, kapag hindi namin ito natugis, madaming mapapahamak" –Prinsipe Jacob
Nakaupo lamang si Haring Azrael. "Hindi ko na problema iyon, kayo ang may kapangyarihan at kayo lang ang maaring makapigil sa ganung kalakas na nilalang" –Haring Azrael
"Ginawa na po namin lahat mahal na hari, pero tama ang Prinsipe Gabriel, masyadong makapangyarihan ang Celesius" –Hero
"Kahit siguro nandito si Dustin mukhang hindi rin natin kakayanin ehh" –Genevieve
"Oo nga, kaso wala sa kanya ang brilyante" –Mariah
"Si Dustin?" –Prinsipe Jacob
"Hindi siya maaring sumama sa inyo dahil sa ginawa niya sa isang taong walang laban sa kanya, hindi ko parin ibibigay sa kanya ang brilyante ng apoy" –Haring Azrael
"Pero Amang Hari, paano kung kapag kasama namin siya, matatalo namin ang Celestius, bakit hindi natin siya subukan?" –Prinsipe Jacob
"Hindi maaari Jacob, parusa sa kanya yun at kailangan niyang magtanda sa kanyang ginawang pagkakamali, kung may makakapigil sa halimaw na iyon, kayo lang iyon at wala nang iba" –Haring Azrael
Umalis na bigo ang grupo ni Prinsipe Jacob, naglakad sila pabalik sa lagusan mula sa mundo ng mga tao.
"Pero paano nga kung kasama natin si Dustin sir?" –Mariah
"Yun na nga ehh, pero hindi ko rin masisisi si Ama sa ginawa niyang parusa kay Dustin" –Prinsipe Jacob
"Ganyan talaga iyan si ama, kapag may ginawa kang pagkakamali, parusa ang matitikman mo, maski kaming mga anak niya nakatikim sa kanya ehh" –Prinsipe Gabriel
Pagkabalik nila sa mundo ng mga tao ay muli nanamang nanggulo ang Celestius, sa ngayon ay malapit siya sa lagusan.
"Ang Celestius, naririnig ko ang kanyang ugong" –Prinsipe Jacob
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...