Umuwi ng maaga si Prinsipe Jacob upang magpunta sa isla ng Kungji na kung saan doon matatagpuan ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin, sa ngayon ay kapiraso lamang ng brilyante ang hawak ng prinsipe at wala pa ang buong taglay ng lakas ng kanyang brilyante.
Sumakay siya ng bangka na nakuha niya mula sa Saradien at naglakbay sa isla ng Kungji, medyo malayo ito kaya hindi na nakatiis si Prinsipe Jacob.
"Wind Mystic Warrior Power Up!"
[PRINSIPE JACOB TRANSFORM INTO WIND MYSTIC WARRIOR]
Kinuha niya ang kanyang scythe, gamit nun ay ginawa niyang elesi ang scythe niya upang mapabilis ang pagtakbo ng bangkang sinasakyan niya.
**Wind Cascade**
KUNGJI ISLAND
Muling bumalik sa dating anyo ang prinsipe.
Naglakad lakad siya sa isla, napansin niya na wala masyadong tao sa islang ito kaya tuloy tuloy ang paglalakad niya hanggang sa nagulat siya na bigla siyang nahulog.
"Ahhhhh!!!" hindi niya alam na isa pala itong patibong, agad na lumabas ang mga Kungji upang silipin kung sino ang kanilang nahuli.
"Magnanakaw magnanakaw!!" nagtipon tipon ang mga Kungji sa hukay.
"Hindi ako magnanakaw!" sigaw ni Prinsipe Jacob.
"Ilibing siya ng buhay!" napansin ni Prinsipe Jacob na may mga nahuhulog na lupa sa kanya, dahil masyadong malalim ang hukay na binagsakan niya ay hindi ito makaakyat pabalik at unti unti siyang binabato ng lupa kaya wala siyang nagawa kundi ilagan ang mga ito hanggang sa tabunan na siya ng lupa ng mga Kungji.
Nailibing ng buhay si Prinsipe Jacob ng mga Kungjis, hindi siya masyadong makakilos sa ilalim, nakikilos niya ang kanyang mga kamay pero hindi siya makagalaw. Sinusubukan niyang itulak gamit ang kanyang likod ang lupa mula sa taas niya pero hindi niya magawa iyon dahil siguro sa matinding pagkakabaon ng mga Kungjis ng lupa.
"Bwisit na mga nilalang na iyon" ang nasa isip ni Prinsipe Jacob.
Hindi na siya makahinga sa ilalim, konti na lang ay maari niyang ikamatay ito.
Sa isip niya ay maari niyang gamitin ang brilyante ng hangin upang bigyan siya ng sapat na hangin mula sa kanyang katawan.
"Brilyante ng hangin, bigyan mo ako ng hangin upang makahinga ako" utos ni Prinsipe Jacob mula sa isip niya.
Agad na nakahinga ng maluwag ang prinsipe kahit nasa ilalim siya ng lupa, sinubukan niyang kumilos upang mailabas ang kanyang brilyante, nailabas niya iyon at nagtransform bilang Wind Mystic Warrior, agad na nabiyak ang lupang kinaroroonan ni Prinsipe Jacob kaya nakalabas ito mula sa ilalim ng lupa.
Paglabas nito ay agad na nakahinga ng maluwag ang prinsipe, pawis na pawis ito dahil sa matinding init mula sa ilalim ng lupa. "Brilyante, bigyan mo ako ng preskong hangin" agad na bumulong ng simoy ng hangin mula kay Prinsipe Jacob.
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...