Chapter 4: Continuation

869 70 27
                                    

CHAPTER 4: Continuation

Third Person's POV

.. continuation ..

Kinabukasan maagang tinapos ni Rhina lahat ng gagawin niya sa bahay. Syempre~ Ano pa nga ba. Haha! Inspired siya e. Para din payagan siya ng Mommy niya na umalis. Para naman masulit nya yung pagpunta mamaya ni Jason sakanila.

Matapos niyang gawin ang sandamakmak na gawain ay napagpasyahan ni Rhina na magrelax muna. Relax. Relax. Time check its 4pm. Hmm. Wala parin si Jason. Kaya ayun - ang mukha ni Rhina hindi na maipinta. Hindi nya alam kung darating nga ba talaga ang hinihintay niya.

At since inaantok siya kaya pinikit muna nya ang mata nya habang nakahiga siya sa couch sa living room. Nadala na siya ng pag idlip nya at nananaginip na sana ng..

*DING DONG*

Napabalikwas siya ng bangon sa couch tsaka naggmamadaling tumayo at tumakbo para binuksan ang pinto.

Pero bago niya tuluyang buksan ang pinto ay nag-ayos muna siya ng buhok. Chineck ang damit. Tapos goraa na!

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad agad sakanya ang isang magandang nilalang, ang crush niyang si Jason. Haha! Odiba bongga? Gising na gising na ang diwa ng ating bida.

Omg! Gravity! Pormang porma ang crush ko! Ang gwapo. Waaah!, sabi ni Rhina sa isip niya.

"Hi. Kamusta? Sorry medyo natagalan ako ha." nakangiting bati ni Jason kay Rhina. Napayuko naman ang dalaga.

Ayy naku crush wag ka naman ngumiti ng ganyan. Nagbblush ako. Nakakahiya. Hihihi. Nawala tuloy antok ko., ani ni Rhina sa sarili.

"Ahaa. Okay lang yun. No problem." nakangiting sambit ni Rhina kay Jason.

"Tara na?:)" nakangiting yaya ni Jason kay Rhina sabay lahad ng kamay.

Nyaaah! Holding hands uli kame ni Crush? Ay grabe na talaga to! To the highiest level! Hahaha., sa isip isip ni Rhina ay halos maglulundag na siya sa tuwa.

"Mommy! Alis napo kame!" paalam ni Rhina sa Mommy niya na kasalukuyang nasa kusina kaya naman kinailangan niya pang sumigaw.

"Osige Anak mag-iingat ka----" napahinto naman ang Mommy niya sa paglalakad papalapit sakanila ng mapansin nito si Jason.

"Good afternoon po. Ako nga po pala si Jason." nakangiting bati ng binata sabay mano sa Mommy ni Rhina.

Hala! Hindi kaya nagpapa-impress ito kay Mama? Haha! Grabe. Ang galang ni crush! Pasado naaaa!, ani ng isip ni Rhina.

"Ah-kaawaan ka ng Diyos iho." nagtatakang sagot naman ng Mommy ni Rhina sa binata.

"Mommy kaibigan ko lang po siya. Hehe." Rhina said with a sheepish smile. Naku! Delikado na at baka ano pang isipin ni Mama. Haha! Pero teka? Hindi ba parang napakadefensive ko naman nun? Halaaa! Lagooot..

"Kaya pala bihis na bihis ka?" pang-aasar namam ng Mommy niya na ikinatahimik nalang ni Rhina.

"Tara na?" tanong muli ni Jason. Pero nananatiling nakatitig lamang si Rhina sa kamay niya na parang walang balak na tanggapin iyon.

"Mag-iingat kayo Jason ha. Ibalik mo ng buo ang anak ko." sambit ng Mommy ni Rhina.

Seriously?! Ipinapaubaya naba ako ni Mama dito? Gravity. 

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon