Chapter 25: Evil Grin

414 38 0
                                    

CHAPTER 25: Evil Grin

Third Person's POV

Buong magdamag ay hindi nawala sa isip ni Teejhay ang sinabi ni Lily sakanya. Ang posibilidad na bumalik nga si Jason at Jade. Ano nalang ang gagawin niya? Hindi niya alam kung paano niya ipaglalaban ang nararamdaman niya..

Pagdating niya sa School ay tahimik lang siyang naglalakad sa Corridor. Lutang ang utak niya ngayon. Natatakot siyang baka magkatotoo ang mga sinabe ng kapatid nya.

Kung babalik man sila, please lang wag muna ngayon. Dapat kapag maayos na lahat. Kapag hindi na siya naaalala ni Rhina. Yung tipong ako na yung mahal niya at hindi na si Jason. Parang impo---

*BLAAAAAAAG*

Natauhan si Teejhay at napabalik siya sa realidad ng may nabangga siya. Agad siyang nag-angat ng tingin ng mapansing babae ang nabangga niya. Nahulog lahat ng gamit nito pati mga papeles.

"Sorry miss. Hindi ko sinasadya." sabe ni Teejhay habang pinupulot lahat ng papel na nahulog. Ano ba tong babaeng to? Bakit di ako tulungan? Pinanood lang akong mamulot ng papel? Ts.   

Hindi na nya pinagkaabalahan pang tingnan yung babae dahil busy syang pulutin ang mga papel.  Okay. Last one. Hm? Birth certificate ba to?  Tiningnan nyang maigi yung hawak nya. Pakiramdam niya nanlamig siya. Para syang lalamunin ng kaba sa nabasa niya. "Del Rosario, Jade N."

Hindi.. Hindi.. Baka kapangalan nya lang.. Tama.. Tama.. Ayoko syang tingnan.. Pero sgurado akong ibang tao to.. Oo.. Hindi.. Hindi pwede to!!

Unti unti niyang tiningnan yung babae. Gulat na gulat ito ng makita siya. Parang hindi makapaniwala.  Sh*t

"Teejhay!" sigaw nito sabay yakap ng mahigpit sakanya. Hindi sya makagalaw. Hindi nya alam kung anong gagawin nya.

"Jade." iritang sabe ni Teejhay habang kumakawala kay Jade. Nakangiti parin ito sa kanya. Hinalikan siya nito bigla sa pisngi. Buti nalang wala ng tao sa corridor dahil class hours na.

"Teejhay. Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral. Ang galing talaga ng destiny no?" sabe nito sakanya. Fake smile ang sagot nya.

Asaaar! Destiny? Oh baka naman pinahanap mo ako sa mga detective mo. Peste! Teka? Bakit ba ako naiinis sakanya? Wala naman siyang ginagawang masama saken. Hay..

Sino nga ba si Jade? Okay. Siya lang naman ang first love ko. Noong HS kami lagi kaming magkakasama. Mabaet siya, matalino, maganda. Yung tipong nasa kanya na ang lahat. Wala akong maipintas sakanya e. Lahat siguro ng lalake magugustuhan siya. Ano nga ba kame dati? Bestfriends kame. Sakanya ko sinasabe lahat ng sikreto ko noon at ganun din siya sa akin. Gustung gusto ko sya noon pero hindi ko masabi kasi.. Alam nyo na.. Hanggang sa umalis na sila. In short, siya ang nakababatang kapatid na babae ng kababata kong si Jason Del Rosario. Get's nyo? Oo.

Jason. Nandito si Jade. Ibig sabihin.. Nandito din si.. Oh no.. You're kidding me right? Wag ganun dude.. Si Rhinaaaaa!

Nataranta si Teejhay ng maalala niya si Rhina. Naku! Baka maunahan na siya ni Jason. Wag naman sana. Nagmamadali syang naglakad-takbo papunta sa room nila.

"Wait. Saan ka pupunta?" tanong ni Jade na hindi nya pinansin. Nagsilabasan ang mga estudyante. Break time na pala. Alam nyang hindi pa nakakaalis si Rhina sa room nila kay nagmamadali siyang hanapin ito. Pag dating nya sa room tiningnan nya ang buong paligid. Wala si Rhina. Wala rin ang bag niya. Nasaan siya?

"Sino bang hinahanap mo?" tanong ni Jade na hindi nya namalayang sumusunod pala sa kanya. Hindi na makatiis si Teejhay. Wala naman sigurong masama kung itatanong ko diba? Game!

"Uhm. Jade. Nandito ba si Jason?" ngumiti lang si Jade sabay iling, nakahinga ng maluwag si Teejhay dahil sa confirmation na wala si Jason sa School nila.

"Haha. Namiss mo ata si Kuya?" ngumiti lang din si Teejhay sa tanong ni Jade.

Hindi ko siya namimiss! Kung pwede nga lang wag na siyang bumalik e. 

"Don't worry. Sabe nya susunod siya dito as soon as possible." Napatigil si Teejhay sa sinabi ni Jade tsaka nakaramdama ng matinding kaba.

Wag naaa! No need! Psh.

                ♠♠♠♠♠♠♠♠

"Hoy! Napapano ka ba? Tinotorture mo yang pagkaen mo ha." puna ni Grace kay Rhina. Nasa rooftop sila. Dun sya dinala ng nagdadabog na Rhina para kumaen.

"Nag-away ba kayo ni Teejhay?" lalong pinagtotorture ni Rhina ang pagkaen nya. Gigil na gigil sya habang pinagtutusok ng tinidor ang pagkaen niya.

"Ano bang nangyare?" tumahimik silang dalawa matapos ang tanong na iyon ni Grace. Malakas ang hangin sa rooftop. Tiningnan siya ng maigi ni Rhina bago ito nagsalita.

"Paano ba naman!! Nakita ko si Teejhay may kausap na babae!!--"

"Ano naman kung kausap nya? Bawal ba sya makipag usap sa ibang babae?" sabat ni Grace.

"Hindi pa ako tapos!! Mukhang transferee ung babae!! At hindi ko siya kilala!!--"

"Porket hindi mo kilala nagagalit kana?" sabat ulit ni Grace.

"Hinalikan niya si Teejhay!!! At hindi manlang kumibo yung ga---"

"What?!!!!" gulat na gulat na sabat na naman ni Grace. "Saan?!" tanong niya pang muli kay Rhina.

"Sa cheeks." sabe ni Rhina na mukhang napagod na kakasigaw.

"Edi ikiss mo si Teejhay sa lips. Haha! Para bongga ka diba?" pagbibiro ni Grace. Haha! Parang tanga magselos tong babaeng ito. Hindi daw sila niyan ha tapos makapagselos wagas! Wahahaha! Pumapag-ibig si Rhina. Natatawang isip ni Grace.

Pero mula sa galit na galit na galit na galit na Rhina, biglang naging malungkot na Rhina na ang nasa harapan niya. Sabe na nga ba gusto nya si Teejhay e. Mr&Ms.Denial kase kayo. Psh!

"Ang ganda niya.." malungkot na sabe ni Rhina.

"Kelan kapa naging tomboy aber?" pagbibiro na naman ni Grace. Kaso wa epek. Teejhay! Lagot ka saken. Kapag ito si Rhina umiyak bubugbugin kitaa!

Tumahimik na naman ang paligid. Niligpit na ni Rhina ang pagkaen nya na hindi naman nya kinaen, kundi tinorture lang. Pagkababa nila sa rooftop pumunta sila sa Canteen para bumili ng inumin. May naaaninag si Grace -- Si Teejhay na may kasamang maganda ngang babae. Tumatawa sila. Naku. Hindi to pdeng makita ni Rhina.

"Rhina. Hindi na pala ako nauuhaw. Balik nalang tayo sa building. Hehe." sabe ni Grace. Nagulat siya sa sinagot ni Rhina, "Haha! Nakita ko. Ano nga kaseng sabe mo kanina? Halikan ko si Teejhay sa lips?" sabi nito sabay evil grin.

Hindi na nakasagot pa si Grace dahil hinila na sya ni Rhina papunta sa Canteen. Pagpasok nila tiningnan sila ng mga tao. Hindi maipaliwanag ni Grace kung bakit nagkaganun si Rhina. Tiningnan niya si Rhina -- Nakangiti  ito pero nanlilisik ang mga mata. Sinapian na ata si Rhina. Nakakatakot siya. Nakakasindak. Parang kontrabida sa isang teleserye. Kanina eemote emote na parang inaaping bida tapos ngayon kontrabida na?

Nakatingin si Rhina kay Teejhay at sa babaeng kasama nito. Kumukulo talaga ang dugo niya. Tinitingnan siya ng mga tao sa canteen at pagkatapos ay kila Teejhay. Nahinto lahat. And finally lumingon sa kanya si Teejhay at yung babae. Namutla bigla si Teejhay habang yung kasama niya lalo pang pumulupot sa kanya. Yung mga tao tingin kay Rhina - tingin kila Teejhay - tingin kay Rhina ulit. Intense. Parang konting galaw lang ay may gerang magaganap. Once again tiningnan ni Rhina ang mga tao. Pagkatapos yung babae. Tapos kay Teejhay.

*evil grin*

Ako ang bida kaya humanda ka.

———

@ysang_aiza

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon