Chapter 71: Realization II

375 14 2
                                    

———

            Second part!:) Enjoy reading. Haha!

———

Grace

                     "Ha?! Teka! Eroplano?! Anong ibig nyong sabihin?! Babalik na si Rhina sa America?!" natatarantang sagot ni Teejhay. Ang slow talaga ng mokong nato.

                     "OO! DALIAN MO BAGO PA SYA MAKASAKAY SA-- ARGH! LALABAS NA BABY KO! MARK!"

                     Dali dali namang tumakbo paalis si Teejhay. Hindi naman magkanda ugaga si Mark at Lily pati parents niya kung anong gagawin saakin.

                     "Halika na! Buhatin na kita papunta sa kotse!" tarantang sabe ni Mark kaya kinilig nanaman ako. Akalain mo yun? Bubuhatin padaw ako? Haha! Bigla ko naman tinapik yung kamay niya kaya tiningnan nila ako ng weird look. The face! Its priceless! Wahaha!

                    "Naniwala ka naman! Makakasigaw paba ako nun? Duh?! Haha! Acting lang yun para mataranta si Teejhay. Wahaha!" sabe ko at nagsialisan sila sa harap ko. Abat mga bastos ito!

                     "WHAT?!" ano bang ginawa ko? Ang KJ ng mga to. Psh.

Teejhay

                     @Airport.

                      Hindi! Hindi to pwede! Hindi siya pwedeng mawala saakin ulit pagkatapos ng lahat ng napatunayan ko sa sarili. Kung noon wala akong nagawa, ngayon sisiguraduhin kong sa ayaw at sa gusto niya ay mananatili siya dito sa Pilipinas, sa piling ko. Pagkatapos niyang aminin na mahal niya parin ako.. O C'mon alangang pakawalan kupa diba?

                     Nasaan naba siya? Saan ko nga ba siya sisimulang hanapin? Argh! Pero hindi parin ako titigil sa paghahanap. Ramdam kong nandito pa siya. Konting tyaga lang Teejhay. Konting stretch pa ng leeg at-- Gotcha!

                     Ayun siya! Yeheeey! Ayun! Kabisado ko yung likod niya noh. Chance ko na ito dahil parang ang bigat ng paa niya at sobrang bagal maglakad. Takbo!

                     "Aaaaahhhh!" sigaw nung mga babae sa harap ko. Shocks! Nabangga ko sila kaya yung mga hawak nilang kape e nagsitapunan sa mga damit nila. Oh no! I didn't mean it!

                     "So-sorry girls! Ma-may hinahabol kase ako. Pa-pasensya na. Una na--"

                    "Hindi mo kame pwedeng iwan dito! Panagutan mo to!" sabe nung babae sabay turo sa basa niyang damit. Grabe naman to maka-panagutan akala mo nabuntis na. Psh! Oh-wait! Rhina.. Wag na wag kang tatakbo. Stay put.. Kitang kita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Naku! Naku! Tatakbo na siya! Hindi--

                    "Excuse me. Kami nalang ang bahala dyan. Pabayaan nyo na yung kaibigan namin. May hinahabol kase siya." napalingon ako sa nagsalita. Si Sandra. Bati na sila ni Rhina? Buti naman.

                    "Sige na kababata ko. Takbo na at baka mahuli kapa." nakangiting sabe naman ni Jason sabay tapik sa likod ko. "Thankyou." tugon ko sabay takbo. Dahil diyan bati na tayo Jason. Haha!

                     "Rhina." para akong nakuryente nang mahawakan ko yung kamay niya. Parang tumigil yung mundo tapos parang kame lang yung tao. Sht ang corny ko. "Rhina. Humarap ka saken.. Please.." nagsusumamo kong sambit. Please lang. Magpapigil ka naman saakin oh.

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon