Chapter 30: Time Machine

437 36 2
                                    

CHAPTER 30: Time Machine

Third Person's POV

Kinabukasan lahat ay naghihintay na mag dismissal na ng magkaalaman na. Madami silang katanungan. Oo. Excited marahil sila dahil sa rebelasyon na magkakakilala pala silang lahat. Pero para kay Rhina at Teejhay, iba.. Kakaibang kaba ang nararamdaman nila. Si Teejhay, sa mga magiging tanong ni Rhina sakanya. Habang si Rhina naman, sa mga isasagot ni Teejhay sa mga tanong niya. Ano nga kayang mangyayari sakanila?

*KRIINNGG!*

Uwian na. Nasa labas na sila ng School at naghihintay para sa pagdating ni Jason. Habang yung sasakyan naman ni Jade ay nakapark na sa gilid. Tahimik lang silang lahat at hindi parin nag-iimikan si Teejhay at Rhina mula kagabi.

"Uy Jade. Anong oras daw ba darating ang Kuya mo?" basag ni Grace sa katahimikan.

"Haha! Mukhang excited na kayo a? 4:30pm daw. 4:25pm palang naman. Hintayin lang natin sandaali." sabi naman ni Jade.

"Oo! Oo! Excited na kameng makita  ang bahay nyo! Madame  bang pagkaen?" daldal ni Grace kay Jade para narin hindi nito mapansin ang awkward atmosphere ni Teejhay at Rhina.

Habang nagdadaldalan si Grace at Jade sobrang tahimik naman ni Teejhay at Rhina. Si Mark naman ay bored na kaya nakidaldal narin siya kila Grace. Lage  namang nakatingin si Teejhay kay Rhina at kapag nahuhuli siya agad siyang nag-iiwas tingin.

Haay Rhina.. Pano ba kita iaapproach? Hindi ko alam kung galet ka o ano.. Wala akong ideya. Okay! Kakausapin ko nalang siya. Go! Pagchicheer ni Teejhay sa sarili.

"Uhm. Rhi---" hindi na naman natapos ni Teejhay ang sasabihin niya dahil biglang sumigaw si Jade ng, "Kuyaaaa!"

Lahat sila ay napatingin sa kotseng parating. Napatingin naman si Teejhay kay Rhina at nakita niyang naaamaze ito. Loko Jason. Gasgasan ko kaya yang kotse mo? Okaya tanggalan ko ng  gulong? Ts. Ikaw ng mayaman! Pagdadabog ni Teejhay sa isip niya.

"Rhina!" tawag ni Jason kay Rhina ng ibaba nito ang bintana ng kotse sabay sumeniyas na sumakay na si Rhina sa sasakyan niya.

"Uyy! Bro! Ang gara ng sasakyan! Haha! Hoy Mark! Halika na! Dito tayo sa sasakyan ni Jason!" biglang sabe naman ni Teejhay para hindi magkasama si Rhina at Jason. Agad namang tumakbo si Mark at sumakay narin sa sasakyan kaya wala ng nagawa si Jason kundi tingnan ang dalawang lalaki ng naka kunot noo tsaka lang siya napangiti at napailing..

Wahaha! Akala mo ha! Hindi ko hahayaang masolo mo ang Rhina ko kahit pa kababata kitaa! Sorry ka nalang Bro! Nagdiriwang na isip ni Teejhay.

"Tara na." yaya naman ni Jade kay Grace at Rhina na natulala nalang sa inasta ni Teejhay at Mark.. Ilang sandali lang ay sumakay narin sila sa sasakyan ni Jade.

               °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

@JasonsCar..

"Bakit mo yon ginawa Bro? Haha!" natatawang tanong ni Jason kay Teejhay.

"Ha? Ang alin?" painosenteng sabe naman ni Teejhay dito. Asus napansin niya pa yun. Haaay. Palusot.com.ph na nga lang ako. Hehe.

"Yun. Haha! Alam mong gusto kong nandito si Rhina." sabe naman ni Jason habang nagmamaneho.

Yaah! I know! Kaya nga pinigilan kong mangyare yun e..

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon