Chapter 15: Worried

494 44 12
                                    

CHAPTER 15: Worried

Rhina David's POV

Hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Ano na bang pinaggagawa ko sa buhay ko? Nakakahiya ka na Rhina! Anong kabaliwan ba naman yang pinaggagawa mo?! Hindi mo ba alam na baka kung ano nalang ang isipin sayo nung lalaking yun?! Naku! Baka isipin niyang may gusto ako sakanya... Anong gagawin ko?!

Sinubukan niya akong pigilan pero nagtuloy tuloy parin ako sa pag-alis. Pagkatapos ng nagawa ko ano pang mukha ang maihaharap ko sakanya?! Waaah! Sobrang kahihiyan to kaya kahit alam kong delikadong maglakad sa daan ng gabi ay go parin ako. Kesa naman ihatid niya ako ano! Hiyang hiya na nga ako sakanya e! Teka nga? Bakit ba ako ganito ka-affected sa nangyare? Ano naman? Ano naman kung ginawa ko yung kabaliwan na yun? At ano naman kung tinawag niya akong... tinawag niya akong... Bastat yun na yun!!

Automatic naman akong napahawak sa dibdib ko.

*LUB DUB. LUB DUB. LUB DUB*

Hala? Bakit ang lakas ng kabog ng puso ko? May sakit naba ako? Nagpaling linga naman ako sa buong paligid ko. Madilim na at kakaunti lang ang mga ilaw dito. Oh no! Hindi kaya nasesense ng puso ko yung mga multo dito?! O kaya naman yung masasamang tao na nagmamasid saakin?! Waaah! Lalo akong natakot dahil sa mga pinag-iisip ko kaya napatakbo ako ng wala sa oras.

Pagdating ko sa bahay ay dali dali akong nagkulong sa kwarto ko. Ano ba kasing patakbo takbo tong nalalaman ko? Nakakapagod aa. Hay. Nababaliw na ata talaga ako. Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa kaya agad ko yung kinuha. Nanlaki ang mga mata ko ng makita yung madaming text and missed calls saakin ng iisang tao lang?! Si.. Teejhay..? Problema nun?

Isa isa kong binuksan yung mga message niya saakin at ito ang mga tumambad saakin. Puro flood pa yan aa. Nakakatamad kaya magbasa ng paulit ulit na text! Hmp.

-Uy? Sorry;(
-Rhina? Nakauwe kana?
-Bat di mo sinasagot tawag ko?
-Hey? Ok ka lang? Nasa bahay kana?
-Textmoko kapag nakauwe kana.
-Nag'aalala na ako pwede ba–,–
-Sagutin mo tawag ko. Oh magreply ka nalang please;'(((

Ang hilig niya naman sa emoticons. Hahaha! Ay. Bakit ako tumatawa mag-isa? Tiningnan ko yung oras. Malapit na palang mag 10pm. Kaya siguro concern siya. Aba! Safe naman ako nakauwi e. Ang bilis ko kayang tumakbo. Hehe. Pero teka.. Concern siya? Saakin? Eh? So what! Kdot.

Mayamaya pa'y nag-ring nanaman ang cellphone ko. Tumatawag nanaman siya. Ilang segundo din akong naktitig sa cellphone ko tsaka ko napagdesisyunang i-off yun para hindi na niya ako macontact pa. Ang kulit e. Tapos bigla nalang, Ganyan ka ba talaga Rhina? Magreply ka. Baka puntahan kapa niya dito. Nyaaaah. Kinakausap nanaman ako ng konsensiya ko! Alam niya nga pala bahay namin.

May point si Konsensiya kaya dali dali kong binuksan ulit yung power ng cellphone ko. Naku naman! Patay sindi lang?! Agad akong nag-create ng message...

-Nakauwe na ako? Erase
-Okay lang ako? Erase
-Wag kang mag'alala? Erase

Anong sasabihin ko? Alin? Ano? Pano? Inis!!! Para na akong tanga dito na hirap na hirap sa kung ano bang irereply ko sa lalaking makulit na yun.. Psh.

-SHUT UP! Send

Pagkatapos kong titigan ang salitang yun e agad ko na rin sinend. Eh wala e. Yun na ang pinakamadaling sabihin sa lahat.

*BEEP!*

"Hehe:) Nakauwi KaNa?"  Teejhay.

Ayy hindi pa! Hindi pa ako nakauwe. Wala pa nga ako sa kwarto ko oh! Gusto ko sanag sabihin kaso ang tanging naireply ko ay, "Bakit?" yun lang. 

"Nag'aalala ako. Sorry kanina." reply niya na ikinagulat ko.

Ang arte naman neto. Replayan ko nga ng, "K."

"Hm." reply niya. Mukhang nainis na ata? Hehehe. Kaya nireplayn ko pa ng, "??"

"Goodnight. Tulog na." reply niyang muli. Haha! Aroo nagtampo na ata siya. "Hays. Sa susunod mag reply ka! Sumagot ka sa tawag! Hindi yung pinag'aalala mo yung iba kakaisip kung napano kana!" sumunod pa sa msg niya. Hala? Nagalet?

Replyan ko nga ng, "Zzzz~" napangiti naman ako sa reply niyang, "Sige >,< Goodnight na!"

Baket ako napangiti? May diperensiya na ata ako sa pag-iisip e. Ano naman kung concern siya? Kikiligin na ako nun? Ts. Tulog nalang ngaaa. Napangiti lang talaga ako kase naasar ko siya. Yun lang yun noh!

Ayyiiieeehh concern siya!, tukso saakin ng isip ko? Ano yun? Bakit may ganun?

Tse! tulog naaaa!~ , sermon naman nung isa pa.

Teejhay Perez' POV


Simula nung iwan ako ni Rhina dito sa Garden e nagsimula na akong mag-alala. Gabi na. Masyado ng madilim sa daan para maglakad pa siya. Sinubukan ko siyang habulin pero diko nagawa. Ganoon ba siya kabilis tumakbo? Eh bakit natalo ko siya sa gym noon? Odiba? Nasaan na ba yun?! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyaring masama sakanya. Bakit ba kasi kung anong pinaggagawa ko e. Dapat pala diko nalang pinansin yung ginawa niya kanina para di siya nag-walkout diba? Hays.

Nakailang text na ako sakanya pero hindi parin siya nagrereply. Nakauwi na ako ng bahay pero wala parin kaya mas lalo na akong kinabahan kaya naman tumawag na ako ng tumawag sakanya pero wala parin sumasagot. Sht! Ano na bang nangyare sa baliw na yun?! Pinag-aalala na niya ako masyado!

Walang patid ako sa pagtawag ng bigla nalang sumagot yung operator at sinabing "Cannot be reached" ang number niya. Ano nang nangyare dun?! Argh! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya ng dahil diyan sa kabaliwan niya! Aaah! Ano ba naman kasing ginagawa niya?!

Dali dali akong nagbihis at binitbit yung cellphone ko. Palabas na sana ako ng kwarto ko, pupuntahan ko siya sa bahay nila, kaso nag beep yung cellphone ko.

From Rhina:
-SHUT UP!

Para akong tangang nakatitig lang sa reply niya. Hanggang sa unti unti ng kumalma yung sarili ko at mag nag-form na ngiti mula sa labi ko. Imbis kasi na mainis ay natuwa pa ako. Baliw lang? Haha. Atleast alam kong okay siya. Nagrereply na siya. Yun nga lang dry. Nainis ako kaya sinermonan ko.

"Hays. Sa susunod mag reply ka! Sumagot ka sa tawag! Hindi yung pinag'aalala mo yung iba kakaisip kung napano kana!" reply ko sakanya.

Sagot niya: Zzzz~

Galing diba? Kung diko lang to... Ays. Oo nga pala nag goodnight na ako nun. Baliw ko talaga. Tsaka baka antok na siya at pagod. Oras na din kasi e. Ayos na akong malaman na okay siya. Hindi na siya nag reply kaya natulog narin ako.

Bati na kame di ba? Ewan? Siguro? Bahala na bukas;)

———

Read. Vote. Comment. Follow.

ysang_aiza

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon