Chapter 24: What If?

448 35 0
                                    

CHAPTER 24: What If?

Third Person's POV

Within the past few weeks lagi nalang magkakasama sila Rhina, Teejhay, Grace at Mark. Madalas nading mapansin si Rhina ng mga tao sa campus kahit na balik nerdy na ulit siya. Si Teejhay naman, ayun, iritang irita sa mga babaeng lumalapit sakanya. Habang si Mark&Grace ay growing stronger.

"Hoy babae! Kayo na ba?" tanong ni Grace kay Rhina na obviously ay si Teejhay ang tinutukoy. Hindi man lang siya nilingon ni Rhina na mukhang pagod na sa kakatanong niya.

"Araw-araw yan ang tanong mo. Hindi ka nagsasawa?" bored na tanong ni Rhina sakanya. Sa tuwing magkasama nalang kasi silang dalawa ay iyon ang tanong ni Grace sakanya.

"Psh. Bakit kasi hindi pa maging kayo?" naaasar na tanong ni Grace habang pailing iling pa. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Rhina.

"Ka--" hindi na naituloy ni Rhina yung sasabihin niya kasi nagsalita na ulit si Grace.

"Narinig ko na yan! Laging yan ang sagot mo sa akin! Na mag-kaibigan lang kayo!" sigaw ni Grace na nakataas pa ang kamay sa harap ni Rhina.

Natahimik si Rhina sa inasta ni Grace dahil maski siya ay hindi alam kung anong mayroon sa kanila ni Teejhay. Wala naman silang napag-uusapang dalawa tungkol sa mga ganoong bagay. Basta they enjoy each others company because they're friends. Yun nalang ang gusto niyang isipin. Ayaw naman niyang maging assumera e.

"Alam mo na pala tatanong tanong kapa." bakas ang lungkot sa boses ni Rhina kaya naman napatahimik niya si Grace. 

Haay salamat nanahimik siya. Sana lang wag na siyang mangulit dahil kahit ako hindi ko alam ang sagot sa tanong na yun.. Malungkot na isip ni Rhina dahil kahit siya ay naguguluhan. Idagdag pa na ang kulit ng kaibigan niyang si Grace.

Pumunta si Rhina sa Garden kahit wala si Teejhay. Eh may susi naman siya eh. Pwede naman siyang pumunta dun kahit wala si Teejhay diba? Gusto lang niyang mag-isip isip saglit. Dahil sa panahon ngayon ay gulong gulo na talaga siya..

Eh bakit ba kase ang kulit kulit nila? Pati si Grace. Eh sa friends lang kame anong magagawa nila?! Tekaa. Naiinis ba ako ksae friends lang? Hm. Hindi aa! Naiinis ako kase ang kulit nila. Tsaka hanggang friends lang talaga.... Hanggang dun nga lang ba?? Napabuntong hininga nalang si Rhina sa naiisip niya.

Tahimik lang siya sa Garden dahil sa pag-iisip niya ng may biglang magsalita sa likod niya na ikinagulat niya.

"Oy. Ang lalim ng iniisip mo dyan a?" paglingon ni Rhina ay bumungad sakanya ang nakangiting si Teejhay. She smiled weakly at him. Hindi siya sumagot kase hindi niya alam kung anong isasagot niya. Alangan namang sabihin niya yung iniisip nya, pinagmasdan nalang nya yung mga bulaklak.

"May ibibigay ako sayo." masayang sabe ni Teejhay. Napaangat ang tingin ni Rhina sa hawak ni Teejhay na iniaabot sakanya.

"Ano yan?" sabe ni Rhina habang nakatingin sa lace na hawak ni Teejhay.

Ano to? Balak nya akong sakalin? Tsaka sino bang matinong lalaki ang magbibigay ng lace sa babae na wala manlang pendant o kung ano anong arte? Sino nga ba? Edi si Teejhay na. Ang hirap talagang intindihin ng lalaking ito oo..

"Lace. Hindi mo ba nakikita? Nakasalamin ka naman a?" pabalang na sagot ni Teejhay, dahilan para sapakin siya ni Rhina.  

*PAAAAAAAK*

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon