Chapter 55: They're Too Much

289 29 2
                                    

———

            Enjoy reading. Don't forget to vote and leave a comment. Paramdam po kayo. Lovelots;*

———

Teejhay

                     Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw na walang pasintabing nakatapat pa mismo sa mata ko. Napilitan tuloy akong gumising ng wala sa oras. I automatically placed a hand on my head. Haaay. Masakit. Makirot parin. Kailan kaya ito gagaling? Pati yung mga pasa at bugbog ko. Bwisit naman talaga oh. Sayang ang kagwapuhan. Tsk tsk.

(AuthorsNote: Ikaw na ang human electric fan=,=)

                    Wag niyo ng pansinin ang baliw na author nayan. Dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. Ang bigat sa pakiramadam na talikuran ka ng isa sa pinakamahal at pinakaimportanteng tao sa buhay mo. Bakit ganun? Ano pabang kailangan kong gawin? Ano pang kailangan kong isakripisyo para lang maniwala siyang mahal ko talaga siya? Pagkatapos niya akong talikuran.. Halos gumuho na ang mundo ko.. Dipa ako makapag-inom dahil nandito sila Mama at Papa. Diko magawang magdabog at magwala. Haaay.

                    Hindi ko talaga maimagine.. Pagkatapos kong sabihin na mahal ko siya bigla niya lang akong tinulak sabay takbo. Para akong tangang nakatulala na naiwan sa garden.

                     "Oh shit!"

                     Nabalot naman ako ng matinding takot at pag-aalala. Naalala ko kase na umulan ng malakas noon. Naku po! Ano na kayang nangyare sakanya? Nabasa kaya siya ng ulan? Sakitin pa naman yun! Hala! Baka sipunin yun o kaya ubuhin! What the! Nakauwi kaya siya ng ligtas? Knowing na may pilay pa siya sa kaliwang paa. Tumakbo pa siya! Paano nalang kung mapwersa yun at lalong lumala? Baliw naba siya?!

                    "Ay! Anak ng!"

                     Nasira ang pag-eemote ko ng tumunog bigla ang cellphone ko. May tumatawag.. Saglit kong tinitigan yung cp. Hm. Hindi kaya si Rhina na ito? Hindi kaya makikipagbati na siya sa akin? Hindi kay narealize na niya na miss na niya ako?;)) Hindi kaya.. babalio na siya sa piling ng gwapong tulad ko?:D

                     Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko at masiglang tinanggap ang tawag. Ni hindi na nga ako nag-abalang tingnan kung sino ang caller dahil alam ko namang siya na ito. Namiss na ako ng Baby ko;)))

                    "Hello Baby! Namiss moba ako?:)" pa-cool kong sabe.

                    Laking gulat ko ng may humagalpak ng tawa mula sa kabilang linya. What the? Tiningnan ko ang cp ko at unknown number naman ang nakaregister. Huh? Sino ito?

                    "Hey Teejhay. Ah. Hahaha! Uhm.. Haha! Si.. si.. Ahahaha! Si Mark ito. Haha! Punta kme dyan mayamaya. Wooh! Hahaha! Sht pare. Baby? Hahaha!"

                    Agad ko namang pinatay ang tawag at padabog na lumabas ng kwarto. Gagong Mark yun!>_< Bwisit!! Ayos na e! Ganda na ng mood ko oh! Sinira niya pa talaga! Psh. Bat pa kase ako umasa? Ang tanga tanga lang. Dakila. Psh=,=

                     "Kuya! Pupunta daw dito sila Kuya Mark at Ate Grace mamaya:)" masayang sabe ni Lily na lalo ko lang ikinarindi.

                     "Alam ko! Manahimik kana!" diko na napigilang di mapasigaw sa asar. Naman kase.

                    "Ang sungit mo! May mens ka?!" ganti naman niya.

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon