Chapter 49: Saved

289 31 2
                                    

CHAPTER 49: Saved

Jash David's POV

Nanghihina na ako at pagod na pagod narin ako. Bakit nga ba kami nasali sa gulong ito? Ugh! Badtrip. Nakikita ko kung paano pilit na lumalaban si Lance doon sa bakulaw na iyon, pero mukhang wala talaga e. Wala talaga siyang kalaban laban. Sa laki ba naman nun e may pagkabakla pa naman minsan itong si Lance. Naku! Gusto ko ng makatayo. Gusto kong patumbahin ang bwisit na yun. Alam kong di kaya ni Lance yun dahil may pagkaduwag ang unggoy na yun.

*Paaaaaak!*

Pero mukhang mali lahat ng iniisip ko aa? Laking gulat ko nang mapabagsak ni Lance yung bakulaw na nagngangalang Billy sa kanyang malakas na suntok. Kaya niya pala yun? Eh hindi naman kasi siya masyadong napagod kaya malakas pa siya diba? Hindi ako makapaniwala sa nakita ko to the point na hindi ko na napansin ang paglapit saakin ni Lance. Nakalahad ang mga kamay niya saakin kaya naman napaangat ako ng tingin.

"Tayo na dyan Jash." nakangiting sabi niya kahit na kita ang hirap at pagod sa mga mata niya. Haay. Bugbug nadin siya at dumudugo narin ang labi niya. Napailing iling nalang ako nung naalala kong ayaw niyang nagagasgasan ang gwapo niyang mukha. Yuck. Haha! Kung ano ano ng naiisip ko. Pagod lang ito.

"Hm." lalo niyang nilapit yung kamay niya at alinlangan akong tumingin doon. "Dali na Jash. Nakakangawit oh." bakit nga ba hindi ko maabot abot ang kamay ni Lance? Simple lang. Tinatamad akong gumalaw e. P-pero...

O__________O

"Ha? Anong----"

*Paaaaaaaak!*

Pareho kaming napapikit sa pagkabigla. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga nagkalat na bato sa paligid. Sht! Lance! Nakita kong nakatayo yung Bakulaw sa likod ni Lance kaya nga nagulat siya sa reaksiyon ko e at ngayon naduduwag na akong imulat ang mga mata ko dahil nakita ko mismo na palapit ang mokong nayun sa likod ni Lance at aktong ihahampas sa ulo niya yung malaking bato. Sht! Nagmura na ako ng nagmura dito. Wala man lang akong nagawa. Hindi pa ako ready sa isang lamay Lance. Peste!

Pakiramdam ko huminto ang buong paligid. Pero nananatili akong nakapikit..

"T-tee..jhay.."

Narinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Teka? Parang boses iyon ni Lance aa? Unti unti kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang mga nangyari.

O___O

Pareho kaming napanganga ni Lance ng makita namin si Teejhay sa harap namin na nakayuko. Maraming dugo ang dumadaloy mula sa ulo niya. Hindi kaya sinalo niya yung... 

"Psh!" daing niya sabay dura ng dugo. Nataranta naman ako at napamura. May phobia ako sa dugo e. Bakit ganun? Parang wala lang sakanya kahit halos umagos na yung dugo sa mukha niya? Bakit parang hindi manlang nasaktan ang bungo niya?!

"Ikaw." nakakapangilabot na sabi niya sabay talikod. Napasinghap kami ni Lance dahil  nasa likod niya yung mokong na yun. Mukhang galit na galit si Teejhay dahil nakakuyom ang dalawa niyang kamay. Halatang nagpipigil lang siya. Hindi namin magawang gumalaw o huminga manlang sa mga nangyayare. Yun iba? May sariling mundo. May sariling away na pinagkakaabalahan.

Lalo kaming napanganga ng makita si mokong na nasa semento na at walang malay. As in Knockout siya! Teka! Ganoon kadali? Bakit hindi ko napanood ang nangyari? Bakit parang hindi ko naman ata napansing gumalaw si Teejhay mula sa pwesto niya??

Biglang humarap si Teejhay sa amin at may pilyong ngiti sa mga labi niya. Nakakamatay na titig mula sa mga mata niya at nakakahimatay na dugo na umaagos mula sa ulo niya. I wonder kung bakit nagagawa niya paring lumaban. Kakaiba ang immunity niya..

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon