Chapter 66: Hurt Part I

208 18 2
                                    

———

            Hi!:) Sorry natagalan ang UD^____^ Well mapapadalas na ngaun dahil Christmas Vacation na. Yeeeey! Enjoy reading.ü

———

Sandra

(AN: si Sandra ay yung pinsan ni Rhina. Yung nasa debut niya noon. See on chapter 36-37 kung di niyo na naaalala. Thanks)

                     "Wooooh! Iloveyou Ate!" sigaw ni Lily na kasama namin sa table.

                     "Ang ingay mo Labs." suway naman ni Lance sakanya. Nakakatuwa lang silang panoorin kase ang sweet nila.

                     Inirapan lang ni Lily si Lance habang si Lance naman e nag-back hug kay Lily. Ang cute talaga ng dalawang ito. Haha. Sweetness overload, palibhasa kakabati lang nila. Wala rin kaming ideya kung anong pinag-awayan nila.

                    "Ehem! Ehem! Game." sabe ni Rhin. Rhin ang tawag ko kay Rhina, remember? Haha! Namiss ko rin ang boses niya aa. Almost two years din.

                     Nagsimulang kumanta si Rhin at automatic na napalingon ako kay Jason sa tabi ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong sakit akong naramdaman ng makita kong nakangiti siya habang pinapanood si pinsan ko. Hay. Alam kong mali na pagselosan ko ang pinsan ko. Tsaka ano pabang pinoproblema ko e kasal na kame ni Jason.

                     Tahimik ang buong paligid at boses lang ni Rhin ang maririnig. Pero nakatitig lang ako kay Jason na masyadong concentrated sa panonood. I stared at our wedding ring. Ano ba tong pinag-iisip ko! Si Teejhay ang mahal ni Rhina. Anong pinoproblema ko?

                     "Hon." tawag ko sa atensiyon ni Jason. Ilang ulit ko syang tinawag. Napatingin saakin sila Lance at Lily.

                    "Uyy. Tawag ka ni Sandra." sabay tapik ni Lance sa balikat ni Jason.

                    "Ah? Oh baket?" sabe niya sabay tingin saakin. Hay. Umiling iling nalang ako.

                     "Nilalamig kaba?" sabe niya sabay suot ng jacket niya saaken. Tapos yun. Di na ulit maistorbo sa panonood. Parang gusto ko na ngang ihampas sakanya itong jacket e. Inis. Psh.

                     Sunod na nahagip ng paningin ko sila Jade&Jash at Mark&Grace sa kabilang table. Hm. Buti pa tong sila Mark at Grace may pangalawa nanamang baby. Haha! Balak ata ni Mark na taon taon magkaanak aa. Si Jade&Jash naman e wala padaw balak. May pagka workaholic yung dalawa ee.

                     Napaisip tuloy ako, si Lance at Lily kaya kelan balak magpakasal? Haha! Siguro balak muna nilang paunahin sila Teejhay at Rhina bilang paggalang. Abah! Ilang taon nalang din at nasa 30s na yung dalawang yun. Ang tatanda na namin. Wiw. Eh? Wait! Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Ayun si--- Huh? Sino yung babaeng nakasandal sakanya??

                     "Hon. Sino yung kasama ni Teejhay?" tanong ko kay Jason.

                     "Ah? Yun ba? Mae daw. Girlfriend daw ni Teejhay." sagot niya at pareho naming tinitigan yung dalawa na yung si Mae e nakasandal kay Teejhay.

                    Teka? Paano na yan? Kung may Gf si Teejhay edi hindi sila maikakasal ni Rhin? Ay malamang! At di rin maikakasal si Lily at Lance? Naku! Problema nga ituu... Hindi. Napailing iling nalang ako. Kung may gf sya edi single si Rhina.. Kaya ba---

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon