Chapter 11: Secret

645 57 16
                                    

CHAPTER 11: Secret

Third Person's POV

6:30AM palang ng umaga ay nagtungo na si Grace sa bahay ng kanyang bestfriend na si Rhina. Since mahimbing pa ang tulog ni Rhina ay nakipagkwentuhan muna si Grace sa Mommy ni Rhina.

"Seriously Tita?!" gulat na gulat na tanong nito. Kumikinang kinang pa ang mga mata nito sa sobrang excitement sa kanyang narinig tungkol sa kaibigan.

"Haha! Oo Grace. Nakamotor pa nga sila. Hindi ba naikwento sayo ni Rhina?" tatawa tawang saad ng Ginang na tuwang tuwa sa expression ni Grace.

"Hmp. Hindi po Tita e. Nagsesecret na ata saakin si Rhina. Nakakatampo naman po." kunwari'y nagtatampong tugon ni Grace.

"Baka naman mamaya niya palang ikukwento saiyo?" pang-aalo dito ng Ginang.

"Ewan ko po?"  nagtatampo paring sagot ni Grace.

Nagpaalam na ang Mommy ni Rhina kay Grace para maghanda ng kanilang breakfast. Ilang minuto lang ang nakalipas ay napagdesisyunan narin ni Grace na puntahan si Rhina sa kwarto nito. Pagpasok ni Grace doon ay nagliligpit na ng pinaghigaan si Rhina. Tiningnan lang siya nito saka muling bumalik sa ginagawa.

Ang bruhang ito at painosente pa. May inililihim nanaman saakin ito.  ani Grace sa isip niya.

Ilang minutong katahimikan at hindi na nakatiis si Grace.

"So hinatid ka pala ni Teejhay kagabe ha? Nahuli ata ako sa balita." panimula ni Grace na matamang nakamasid sa magiging reaksyon ni Rhina.

"At kanino mo naman nasagap yan ha?" sabe naman ni Rhina na busy parin sa pagliligpit.

Tingnan niyo parang wala ang sakanya. Painosente pa talaga ito. Haha! Maasar na nga lang. Wahahaha! isip isip ni Grace sa sarili.

"Kay Tita. Mukha ngang botong boto siya kay Teejhay e." natutuwang sabe ni Grace.

"Haha! Baliw kaba? Tsaka magkaibigan lang kame ni Teejhay no." depensa naman ni Rhina habang namumula ang kanyang pisngi. Napangiti si Grace sa naging reaksyon ng kaibigan.

Goodbye Jason, Hello Teejhay naba ang peg ng kaibigan ko? Hihi. , kinikilig na isip ni Grace.

"Dun naman nagsisimula yun e. Di ba?" panunukso ni Grace kay Rhina.

"Alam mo Grace wag mo nalang bigyan ng malisya. Hinatid niya lang ako kase pagabi na. Konsensya nya pa kapag may nangyaring masama sakin sa daan." paliwanag ni Rhina.

"Talaga? Oh pano mo ipapaliwanag yung mga purple flowers na naka-display dito sa kwarto mo?" usisa ni Grace at mukha namang nagulat si Rhina sa tanong na iyon

"B-baket?" nagpapakainosenteng tugon ni Rhina sa kaibigan. Napakatsismosa talaga ng Grace nato kahit kelan. Tsk tsk.

"Ays. Wag kana ngang mag-deny jan. Alam kong bigay niya yan sayo." naiinis na sabe ni Grace. Napakadenial ng Rhina nato kahit halata na dipa umamin. Sarap upakan e no? Haha

"Ano naman kung bigay niya?" sabe naman ni Rhina. Awkward na dahil ayaw niya talagang pag-usapan pa yun.

"Hay nako. Wala. Wala. Oh pano pala kayo nakapasok sa Garden e bawal ang mga student dun? Pano siya nagkasusi dun?" nagtatakang sabe ni Grace.

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon