Chapter 8: Her Smile

756 57 18
                                    

CHAPTER 8: Her Smile

Rhina David's POV

Nasa school na kame ngayon ni Grace at naglalakad papunta sa building namin. Dipa rin talaga ako nakagetover sa mga nangyare nitong mga nakaraang araw. Ayoko parin bumagsak pero diko parin alam paano ko makakausap yung Perez nayun.

"Hey. Musta na? Sobrang tahimik mo naman ata ngayon." basag ni Grace sa katahimikan. She looked at me na parang super worried siya.

"Ayos lang:)" nakangiti kong sagot para dina siya masyadong mag-alala.

"Anong balita? Makikipag-usap kana ba kay Mr.Perez huh?" bigla niyang tanong na pumukaw sa atensiyon ko. Yun na nga e. Diko pa nakakausap si Perez at diko rin alam paano ko siya mapapapayag. Napakalaking problema nito.

"Ewan? Bahala na." tanging sagot ko dahil wala akong kaideideya kung anong dapat kong gawin. Haay.

"Dapat maging mabaet ka sakanya para pumayag siya." suggest saakin ni Grace. Oo nga dapat maging mabaet ako pero paano naman siya? Mukhang dipa naman marunong maging mabaet yung Perez na yun.

"Alam ko yun. Pero pano kapag hindi parin sya pumayag." malungkot kong saad. Maisip ko palang na di siya papayag at babagsak ako e talaga namang nalulungkot na agad ako. Huhu!

"Pilitin mo. Kulitin mo." balewalang sagot naman ni Grace.

"Pano kapag naasar siya? Nagalet. Ganun. O kaya makulitan tapos lalo na siyang hindi pumayag?" nega na kung nega pero may posibilidad naman talaga na mangyare yun diba?

"Sumbong mo sakin akong bahala sakanya." lingon saakin ni Grace sabay kindat. Tingnan mo to. Namimroblema na nga ako tapos pabiro biro pa siya. As if naman may magagawa siya diba? Bakit? Close ba sila?

"Baliw~ sige na. Pasok na ako sa classroom mag start na yung klase." paalam ko kay Grace.

"Sige. Kitakits mamaya. Kumbinsihin mo siya ha." pahabol pa saakin ni Grace bago pumasok sa room niya. Haaay.

"Okay." mahina kong sagot tsaka pumasok na ako sa classroom namin.

@Classroom. Pagpasok ko palang nakita ko na siyang nakatingin saken. Abah? Anong trip niya? Titigan? Ts. Mukha palang niya nakakabadtrip na. Paano pa kaya kapag nagsalita na siya? Suicide na!

"Tingin ka?" tanong ko sakanya ng makalapit ako sa upuan ko. Tinaasan ko pa nga ng kilay e. Oops. Wrong move ata? Diba dapat magpakabaet ako sakanya? Oh no..

"Ikaw yung unang tumingin hindi ako." katwiran niya. Ang kapal talaga neto no? Wooh! Okay chill lang Rhina dapat mabaet ka. Haiyst!

"Ah-hehe. Ganun ba? Pasensiya na? He-he-he." sagot ko. Pilit akong nagpapakabaet.

At dumating na si Sir Dave. Ang walang kamatayang performance. Tagal pa naman nun. Excited?

"Ms. David & Mr. Perez kamusta na ang performance niyo para sa darating na College Night?" sabi ni Sir.

Tumingin ako kay Perez. And sad to say, he doesn't seem to be interested. Parang wapakels lang siya sa tanong ni Sir saamin. Pero nangingibabaw yung dahilan na di ako pwedeng bumagsak kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Fighting!~

"Nagpaplano palang po kame Sir. Hehe. Diba Mr. Perez?" pagsisinungaling ko habang pilit na nakangiti at pinanglalakihan ng mata si Perez. Nyaah. Hindi sumagot si Perez pero tumango naman siya. Marunong naman pala maki-ride. Buti nalang.

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon