Chapter 67: Hurt Part II

195 19 4
                                    

———

            Emotionally unstable. 12/21/14 Enjoy reading sainyo;'>

———

Mae

                     I kissed him. Ayokong umalis siya. Ayokong iwan niya ako para lang kay Rhina. Mahal na mahal ko si Teejhay. Hindi ako papayag na maagaw lang siya saakin. Hindi naman ako tanga para diko mahalata kung anong meron sa Rhina nayun. Sana lang ay mali talaga ang hinala ko.

                     "Mae ano ba!" sigaw ni Teejhay pagkaraan niyang kumawala sa halik ko.

                     "Bakit Sweetheart? May problema ba?" nalilitong tanong ko. May mali ba sa ginawa ko?

                     "Dimo dapat ginawa yun!" halatang galit siya sa ginawa ko. Pero bakit?

                     "Girlfriend mo ako. Ano namang masama kung halikan kita Teejhay?" sabe ko sakanya at saglit siyang natigilan.

                     "I'm sorry." mababakas ang guilt sa mga mata niya. Natatakot na ako..

                     "Teejhay dito ka lang. Wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita." pagmamakaawa ko sakanya habang nakayakap ako sa bewang niya.

                     Nag-aalangan itong yumakap saakin at pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Mahal na mahal ko siya. Lahat ginawa ko para lang mahalin niya rin ako. Inalagaan ko siya at pinilit kong buuin muli yung shattered pieces ng puso niya. Akala ko okay na. Akala ko dina siya mawawala saakin. Pero ngayun, pakiramdam ko nalalapit na siyang mawala muli saakin. Na sa kabila ng lahat ng ginawa ko ay di parin ako ang mahal niya. Please lang! Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil sobrang sakit.

                     "Nasaan na siya?" bulong ni Teejhay sa sarili niya ngunit narinig ko parin.

                     "Sino?" nag-angat ako ng tingin at nakita kong palinga linga siya sa buong paligid. Please lang. Pakiusap! Wag ang taong hinala ko please..

                     "S-si Rhina. Yung kumakanta sa stage kanina. Bigla siyang nawala." sabe nito ng di manlang ako nililingon dahil busy ito sa paglinga linga.

                     "Oo. Alam kong si Rhina yun. Yung kaibigan mo." i said at bigla syang napatingin sa akin. I suddenly gave him a bitter smile. "Baka nandyan lang siya sa tabi tabi. Oh kaya baka nag banyo lang."

                     Nagpalinga linga muli ito. "Nag-aalala ako. Kilala ko yun. Di naman sya nawawala nalang bigla bigla. Tsaka wala rin sila Jason sa table nila." saad nito. Sht! Bakit ba ang big deal sakanya nun? Malaki na si Rhina. Kaya na niya ang sarili niya. "Hanapin naten siya. Please?" sabe nitong muli na lalong ikinadurog ng puso ko.

                     "Sige." tipid kong sagot tsaka kame tumayo at nagsimulang maghanap sa paligid. Bwisit. Sana dimo na siya mahanap! Pesteng buhay to! Bakit ba ako tumutulong sa paghahanap sa babaeng yun?!

                     Nakakainis! Pagod na ako at nananakit na ang paa ko kakalakad. Bwisit ka Teejhay! Ang manhid mo talaga! Diba niya iniisip ang nararamdaman ko?!

                     "Pagod kana ba? Gusto mo ako nalang maghanap sakanya? Hintayin mo nalang ako dito?" suhestiyon nito at umiling iling lang ako.

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon