Chapter 53: Childish Side

276 27 0
                                    

CHAPTER 53:  Childish Side

Teejhay Perez' POV

Marahas kong ibinagsak ang likod ko sa kama ko sabay buntong hininga. nakailang buntong hininga na kaya ako? Hindi ko na mabilang e. Wala akong magawa at wala akong gustong gawin kundi ang tumitig sa kisame.

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis ka Teejhay ka!

Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Pabalik balik. Ays. Ano na bang dapat kong gawin? Anong gagawin ko? Bakit wala akong magawa? Bakit wala akong nagawa para kay Rhina? Aah! Ang tanga tanga ko talaga! Wala akong nagawa kundi ang magsisigaw dito sa kwarto ko.

"Kuya?! Anong nginangawa ngawa mo diyan?! Ang ingay!" sigaw ni Lily na hindi manlang marunong kumatok. Agad agad pasok sa kwarto. Psh.

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok ha? Wag mo nga ako pakialaman." i said with a poker face.

"Lily hayaan mo muna yang Kuya mong mag-emote diyan. Samahan mo nalang kami dito ni Mama mo manood." narinig kong sabi ni Papa mula sa sala. Galing no? Habang ako nag-eemote sila naman chillax lang sa panonood. Edi WOW!

Binaling kong muli ang tingin ko kay Lily. Inirapan lang ako nung bruha sabay sabing, "Pangit mo!" tapos nakabelat pa siya. Psh. isip bata.

"Aba!! It----"

*BLAAAAG*

Magsasalita pa sana ako kaso agad na niyang ibinagsak yung pinto at iiwan ako. Nice talking talaga ang kapatid ko.

"Uwaaaaaaaaaaa!!" sigaw ko nanaman. Ang kaninang pagulong gulong lang ay may kasabay nang pagpadyak padyak.

"Rhinaaaaa koooo! Huhuhu! Mamaaa! Papaaa! Si Rhinaaaaaa!" pagmamaktol ko. So sinong isip bata ngayon? tanong ng isang parte ng utak ko. Shut up! Walang pakialamanan!

Nakarinig naman ako ng mga yabang na parang papaakyat na sa kwarto ko kaya natahimik ako. Pinunasan ko ang luha ko. Grabe. Sino kaya yun? Baka si Rhina ko? Automatic naman ang pagcurve ng labi ko para sa isang ngiti. Excited na ako. Pinuntahan niya kaya ako?

Mayamaya pa ay huminto ito saglit. Huh? Sino kaya yun? Tinitigan ko lang at may nakita akong anino na paparating mula sa maliit na siwang ng pinto ko. Pero hindi siya gumagalaw. Huminto lang siya sa tapat ng pinto tapos wala na. Ilang minuto akong naghintay na buksan niya yung pinto o kaya kumatok manlang pero wala. Wala talaga e. Kaya...

"Uwaaaaaaaa----"

"Teejhay ano ba??!!"

Eh? Napatingin ako sa direksiyon ng nagsalita at nakita si Mama sa harap ng pinto ko. Nakapamewang siya at mukhang galit na. Arooo! Parang si Rhina pa naman ito kapag nagalit. Namimiss ko tuloy lalo si Rhina. Ugh!

Tinitigan ko lang siya kaya bumuntong hininga nalang siya.

"Lumabas ka diyan." utos ni Mama sabay layas. Iniwan niyang nakabukas ang pinto ng kwarto ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas papunta sa sala.

Parepareho silang nakatutok sa flat screen tv. Pinatay pa talaga nila lahat ng ilaw at wala silang tigil sa pag nguya ng popcorn. Yung totoo. Sinehan ba to? Psh. Bored akong umupo sa one seat sofa at pinagmasdan silang tatlo. Hm. Bakit pa ako lumabas dito kung wala rin namang papansin sa akin? Bakit inistorbo pa nila ang pag-eemote ko kung wala namang kwenta tong ginagawa nila?

Mga  thirty minutes ang nakalipas ay pinatay na ni Papa yung tv. Si Mama naman binuksan na yung ilaw. Dismayado akong napatingin sa mga tira tirang popcorn. Nagbukas sila ng tig iisa tapos hindi man nila naubos. Ang gastos. Haaayst. Pero masaya talaga ako na bumalik sila dito. Bukod sa sila ang dahilan kaya nakalaya ako ay Ilang taon nadin ang nakalipas simula noong huli kaming nagkita at nagkasama sama. Lagi kasi sila sa ibang bansa para magtrabaho habang kami ni Lily ang naiiwan dito sa bahay para makapag-aral. Nilingon ko si Lily. Bakas na bakas sa mukha niya ang lubos na kasiyahan. Haha. Sino bang di makakamiss sa mga magulang na ilang taon ding nawala?

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon