Chapter 18: Fall For Me

495 42 7
                                    

CHAPTER 18: Fall For Me

Third Person's POV

Ilang minuto ring nakatitig si Rhina sa papel na nakita niya bago niya napagdesisiyunang lumabas na sa Garden at pumunta sa gate. Malayo palang siya natanaw na niya na nandoon na si Teejhay, naghihintay sa kanya. She smiled. Yung pinakamagandang smile na magagawa niya. Teejhay smiled back at her.

"Tara na?" tanong ni Teejhay kay Rhina nang makalapit na ito sakanya.

"Yup." nakangiting sagot naman ni Rhina kay Teejhay tsaka ito umangkas sa motor.

*LUB DUB LUB DUB*

Relax Teejhay. Ayusin mo pagmamaneho baka maaksidente kayo ni Rhina. Sermon ni Teejhay sa isip niya. Parang nagwawala ang buong sistema niya ng mapalapit siya kay Rhina.

Pinaandar na ni Teejhay yung motor niya. Naramdaman niyang yumakap si Rhina sakanya kaya agad siyang napatingin siya sa salamin. Saktong pagtingin niya ay nagtama ang mata nilang dalawa. Naramadaman ni Teejhay ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Napakamisteryoso ng ngiti niya ngayon aa. Nagtatakang isip ni Teejhay.

Napakunot ang noo niya at  lalo namang humigpit ang yakap sakanya ni Rhina.

Natatakot lang siguro talaga si Rhina sa motor. Sabi ni Teejhay sa kanyang sarili. Ayaw niyang mag isip ng kung ano-ano lalo na't nagmamaneho pa naman siya.

Nag-concentrate si Teejhay sa daan. Hindi siya dapat madistract kundi baka mapahamak sila. Nangako pa naman siya kay Grace na iingatan niya si Rhina.

Pero hindi maiwasan ni Teejhay na tingnan muli sa Rhina sa may salamin.

Last lang. Titingnan ko lang siya saglit tapos mag-coconcentrate na talaga ako sa daan.

Pag tingin niya. There she is. Enjoying the view. She let the wind blow her long black hair. Oh! Perfect view<3.<3 He thought. Then Rhina looked again in the mirror. His eyes met hers. Don't look at me like that! Then he blushed. She smiled at him and leaned her head on his back. Aaah Rhinaaa! Makakalas na yung ribs ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

While hugging and leaning at him, she whispered, "Concentrate on the road."

"I-i'm sor-ry." para namang natauhan si Teejhay sa sinabi ni Rhina kaya tumingin na siya ng diretso sa daan atsaka nagfocus sa pagddrive.

Nang makarating na sila sa pupuntahan...

"Nandito na tayo:)" ngiting sabe ni Teejhay na medyo nakahinga na ng maluwag dahil kahit papano ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso niya.

"Rides?" tanong ni Rhina habang inililibot ang tingin niya sa buong paligid. 

"Yup. Ayaw mo?" 

"Gusto ko." masayang sagot ni Rhina.

Pinark na ni Teejhay yung motor niya at naglakad na sila ni Rhina papunta sa maraming tao at maraming games and rides. Habang naglalakad sila, she wrapped her arms around his.

Teejhay Perez' POV

"Ang cute nung couple oh. Haha." sabe nung babae sa gilid namin. Tapos bumitaw si Rhina saken. Argh! Tumingin ako kay Rhina. She's smiling and I smiled back. Inakbayan ko siya. She blushed then she hugged me on my waist. Nagpatuloy kame sa paglalakad kahit maraming nakakapansin sa amin. May mga nagsasabeng perfect couple kame. Well, kung kame nga ba.

"Saan mo gusto?" tanong ko kay Rhina. Feeling ko ang feelingero ko. Eh hindi naman siya nagrereklamo e.

"Hm? doon." sabe ni Rhina sabay turo sa stall ng mga pagkaen.

"Oh. I'm sorry. Bakit hindi mo sinabe agad na gutom kana pala?"

"Hindi mo naman ako tinatanong e." sabe niya sabay pout pa na ikinatawa ko.

Ang kyoooot niya ^_^

Pumunta na kami sa mga nakahilerang stall ng pagkaen. Halos lahat ata ng pagkaen doon e tinikman namin. Haha! Napalingon ako kay Rhina at napangiti ng makita kong masaya naman siya. Ang takaw takaw. Siguro gutom na gutom talaga siya nun.

"Rides na?" tanong ko kay Rhina ng matapos kaming kumain.

"Ha?! Nababaliw kana ba??" tanong ni Rhina.

"Ba-bakit??" nagtatakang tanong ko naman sakanya.

"Ays. Ang dami nating kinaen tapos rides? Gusto mong magsuka suka tayo dun?"

Ayy. Sabi ko nga. Teejhay nasaan ang utak??

"Ay. Haha. Oo nga pala. Dapat nag rides muna tayo bago kumaen e. Ikaw kase." sisi ko kunwari sakanya. Haha! Ang saya niya kayang pagtripan.

"Abah?! Eh sa nagutom ako e! Sisihin ba naman ako. Hmpt." nagtatampong sabe ni Rhina.

"Oh hindi na. Joke lang. Bati na tayo. Peace." sabe ko sakanya sabay pout. Haha!

Tinawanan lang ako ni Rhina. "Bati na tayo?" tanong ko sakanya at tumango lang siya habang tumatawa. Ano bang nakakatawa??

Third Person's POV

At dahil hindi sila makapag-rides naglakad nalang sila sa buong paligid. Masayang pinapanood ni Rhina ang mga tao sa paligid niya. Minsan lang kase siya pumapasyal. Habang si Teejhay naman ay masayang pinapanood si Rhina. Napalingon si Rhina kay Teejhay. Umiwas naman ng tingin si Teejhay.

Ops. Muntik mahuli. Okay tingin sa malayo. Kunwari di ako nakatingin sa kanya kanina.

"Haha! Kunwari kapa! Nahuli kaya kita!!" tumatawang sabe ni Rhina.

Lumingon naman si Teejhay with painosente face. "Ha? Anong sinasabe mo? Baka imagination mo lang yun." sinusubukan ni Teejhay maging seryoso pero talagang natatawa siya.

"Bakit ka natatawa? Guilty ka? Hahaha." hindi na sumagot si Teejhay. Inakbayan nalang niya si Rhina at naglakad lakad na uli sila.

Nung napagod sila kakalakad umupo sila sa isang bench malapit sa fish pond. Nakangiti silang nakatitig sa napakagandang view ng sunset.

Hinawakan ni Teejhay yung kamay ni Rhina. At bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Rhina dahil para siya nakukuryente sa paghawak ni Teejhay sa kamaya niya.

"Thank you sa pagsama Rhina." nakangiting sabe ni Teejhay.

"Thank you din Teejhay. Napasaya mo ko." parang lumulukso sa tuwa yung puso ni Teejhay. Napasaya ko siya:">

"Rhina. I... i--uhm.." tiningnan niya si Teejhay ng confused-look.

Ano Teejhay? Sabihin mo please..

"I--uhm. Yaah. Ihahatid na kita. He-he." sabe nalang ni Teejhay kay Rhina.

Akala ko ano na. Hay. Wag umasa Rhina. Yeahright.

"Yup." sagot naman ni Rhina.

Napakamemorable sakanilang dalawa ang araw na to. Kahit medyo naiinis si Teejhay sa sarili niya dahil hindi niya masabi sabi yung gusto niyang sabihin.

Pagkauwi ni Rhina kinuha niya agad yung papel na nakita niya sa Garden knina. Masama ang loob niya sa kaibigan niya pero pagkatapos ng buong maghapon na nakasama niya si Teejhay isa lang ang nasabi niya..

Thank you Grace:">

———

@ysang_aiza

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon