Chapter 50: Why?

275 28 0
                                    

se my eyes nang bigla kang tumayo kaya naman napatayo narin ako.CHAPTER 50:  Why

Rhina David's POV

Nakangiti ako habang nagmamasid sa napakagandang view sa buong paligid. Yung luntiang paligid na napakapayapa. Ang saya sa pakiramdam.

"Flowers for you." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Teejhay na may dalang mga bulaklak. Nakangiti ko namang kinuha ang mga bulaklak mula sakanya.

"Thankyou." nakangiti kong saad habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Marahan ko itong inilapit saakin at inamoy. "Hm. Ang bango naman nito Baby." sabi ko ang he just gave me a sheepish smile. How cute it is.

Magkahawak kamay kaming naglakad sa buong park. Napakaganda talaga ng tanawin dito, nakakarelax. Yung kakaibang landscape ng lugar, yung mga busy na tao sa paligid, iba't ibang items na tinitinda sa gilid gilid, yung amoy ng masasarap na pagkaen at yung malamig na simoy ng hangin. Breeze.

Nagulat ako ng may yumakap saakin mula sa likod. "Human Jacket Baby." natatawa kong nilingon si Teejhay. Ang saya saya lang talaga kapag naglalambing siya. Wala na kaming pakialam kahit pa sabihan kaming PDA dito. Haha!

May natanaw kaming malaking puno kaya naman napagpasyahan naming maupo nalang muna sa ilalim noon. Maaliwalas naman at malinis naman sa damuhan kaya gora lang. Nakayakap parin siya saakin and i could feel the warmth. Ang sarap sa pakiramdam. We just stay there in silence. Yung feeling na kahit hindi kayo nagsasalita ay ramdam na ramdam niyo naman yung love. Kakaiba.

I was about to close my eyes nang bigla siyang tumayo kaya naman napatayo narin ako.

"M-may problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Pero hindi siya umimik bagkus ay nilagay niya lang ang kamay niya sa kanyang bulsa at hindi ka makatingin ng diretso sa akin. Namumula rin ang tenga niya. Haha. Ang cute.

"Ehem. A-ano.. k-kase.." nauutal na sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Ang weird.

"Ano ba---"

"Iloveyourhina!" tuloy tuloy niyang sabi. Namumula narin ang mukha niya. Hm. Nakaktuwa dahil ang cute cute talagang tingnan.

"I love you too Teejhay." kalmado ko namang sagot pero mukhang kabado parin siya. Ano bang nangyayari? Nagsisimula na akong kabahan aa.

"Happy 5years Baby..." tapos bigla siyang yumuko. Huh? Bakit? Nabigla ako nung may kinuha siyang dark blue na box sa bulsa niya at bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan pero kalaunan ay nagets ko rin. 

Ito na ba to? Magpopropose na ba siya saakin? Ramdam kong nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko, dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko at prang may mga paruparu din sa tiyan ko. Gosh! Matagal ko na itong hinihintay at ito na nga!

Nakangiti siyang tumingala sa akin habang ako ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko. Bakit parang ako naman ngayon ang nahiya? Dahan dahan niyang binuksan yung box at tumambad sa akin ang isang napakagandang singsing. Nakakasilaw ang kinang nito. Walang pagsidlang ang saya ko, hinihintay ko nalang na sabihin niya yung mga salitang iyon. 

"Baby.. Uhm.. Will you--"

*TOK TOK TOK!*

Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko ng makarinig ako ng malakas na katok mula sa pintuan ko. Samahan mo pa ng paulit ulit na pagsigaw sa pangalan ko. Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Panaginip ko lang ba iyon?

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon