Chapter 48: You're My Strength

272 31 0
                                    

CHAPTER 48: You're My Strength

Teejhay Perez' POV

Nagsimula na ang gulo at eto ako, tahimik na nagmamasid sa lahat. I watched as they try to bring each other down. Nagulat ako ng makita ko na sila Jash kasama yung Kevin Francisco na target. Pero sa hindi kalayuan ay nandoon si Billy. Mayroon siyang kinocorner pero hindi ko makita kung sino dahil napakalaki niyang lampa. Psh! Dahan dahan akong lumapit at biglang nag-init ang ulo ko nang mapagtantong si Lance na boyfriend ng kapatid ko ang tinitira ng bakulaw na ito.

"Ugh!" daing ni Lance nung suntukin siya ni Billy. Magkahalong inis at pag-aalala ang naramdaman ko. Bakit ba kasi sila nandito? Mukhang katropa nila yung Kevin Francisco kaya nadamay pa sila dito. Bwisit!

Napalingon ako kay Jash na seryoso din nakikipagrambulan. Sh*t. Magaling siya pero itong si Lance, naku naman! Hindi ko naman kayang makitang umiiyak ang kapatid ko kapag napahamak ang lalaking ito. HIndi man nila ako pwedeng makita, dahil pinsan nila si Rhina, e hindi ko naman hahayaang mapahamak sila.

Natigil ako sa pag-iisip nang may bigla akong naramdamang dumapo sa pisngi ko. Ano iyon? Lamok?

"Malalim ata ang iniisip mo aa?" sabi nitong pesteng lalaki na nasa harap ko. Galing siguro ito sa kabilang grupo. Ang yabang aa.

"Salamat sa pag gising." seryosong sagot ko habang pinupunasan ang dugo sa labi ko. Dumugo ngapero wala naman akong maramdaman. Sanayan lang.

Matalim na tingin ang ipinukol ko sakanya sabay suntok ng malakas. Ni hindi niya inasahan ang pagdating nun. Pero wala, knockout na ano pang magagawa niya? Psh! Sisiw!

"Hindi masamang maging matapang sa huli mong sandali bubwit." *evil laugh*

Napantig ang pandinig ko at napatingin ako sa nagsabi nun. Si Billy. At si Lance.. Na-corner na siya. Pksht! Bakit may hawak na bato tong si Billy?! Hindi talaga sya marunong lumaban ng patas. Napailing iling nalang ako. Kahit kailang talaga. Humanda saakin ito dahil ngayon ako gaganti sa mga ginawa niya saakin sa hideout. Peste siya.

Maingat akong lumapit sa kinaroroonan nila. Hindi naman ako napapansin ni Lance dahil nasa likod ako ni Bakulaw. Inipon ko lahat ng lakas ko tsaka ako bumwelo ng napakalakas na suntok. Napangiti ako habang pinapakinggan ang pagbagsak ni Billy. Namiss kong manakit ng mga peste aa. Pero ito na nga ang kinakatakot ko.. Ang makita nila ako.. Ang makita ako ni Lance..

"T--Tee..jhay..?" nanginginig na tawag ni Lance sa akin. Wala na. Nandito na e. Alangang magtago pa ako. Psh. Tinitigan ko lang siya ng..

"Ahsht!" daing ko ng may mag landing na naman na kamao sa mukha ko. Psh. Bakit ba hindi ko napapansin ang mga sumusugod sa akin?! Masyado kasi akong occupied. Mamaya na ako makikipagbakbakan kapag wala na yung dalawnag pinsan ni Rhina dito. Para malaya akong makagalaw.

"Teejhay?!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Jash...

"Jash.." sabe ko habang nagrerecover pa sa pagkakasuntok niya. Tindi aa.

Wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid. Feeling ko may sarili na kaming mundo. Ito na to, wala ng atrasan. Nagulat ako ng bigla akong kwelyuhan ni Jash.

"Anong ginagawa mo dito ha?!" kitang kita ang galit sa mga mata niya. Pero pinipilit kong maging kalmado dahil alam kong ganun nga ang magiging reaksyon nila. Ewan ko din bakit ako nagpapasuntok sa lalaking to. Yaah. Si Rhina. Hinayaan ko lang siya. Galit na galit siya dahil nagsinungaling ako sakanila. Naiintindihan ko.. Rhina..

♪Baby you are♪ (Editing&Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon